IngridDelaTorreRN
- Прочтений 2,379
- Голосов 144
- Частей 3
Wala pa sa plano ni Atty. Anthoine La Guarcho ang pag-aasawa. He's healthy, he's fit, he's over six feet tall, and he's at the peak of his carreer-as one of the most formidable corporate lawyers in the country. A wife would be just a legal attachment. Isang obligasyon na ayaw niya munang pagtuunan ng pansin.
Pero pinilit siya ng mga magulang na kupkupin poder niya ang babaeng gusto ng mga itong mapangasawa niya. Iyon lang daw ang paraan upang hindi na igiit ng mga ito na magpakasal sila agad.
Napilitan siyang papasukin sa buhay niya si Urduja. At katulad ng kahulugan ng pangalan nito, ay tunay na palaban ang dalaga. Kahit iniignora niya ito, ay lapit pa rin ito nang lapit. Ayaw nitong sumuko kahit ramdam niyang nasasaktan na ito sa pambabalewala niya rito.
Pero dumating ang araw na hindi inaasahan ni Anthoine-biglang umatras ang dalaga. Ayaw na nito.
Hindi niya matanggap iyon.
She stirred his life first-she couldn't just walk away now.
Panindigan nito ang panggugulo sa buhay niya, at pagpukaw sa mga emosyon niya.