icedlatte_chocolatte
- Reads 3,204
- Votes 1,739
- Parts 18
Si Kashienne Herrera ay namuhay ng simple kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Kennedy at ang kanilang inang si Jessalyn. Ulila man sa kanilang ama, kahit kailan ay hindi ipinaramdam sa kanila ng kanyang ina na hindi sila kumpleto. Bagkus, ginawa nito ang lahat ng makakaya para makakain sila ng tatlong beses sa isang araw o higit pa, mabigay ang pangangailangan ng kaniyang mga anak, at mapaginhawa ang buhay nilang mag-iina.
Lumaking mabait, matulungin, masayahin, at mapagmahal sa pamilya at mga kaibigan si Shien. Bata pa lamang ito, alam niya na ang katotohanan na wala silang padre de pamilya. Sa murang edad na 'yon ay naiintindihan niya na ang lahat, kaya naman hindi na siya nagtanong pa tungkol sa kanyang ama. Sapat na ang kanyang ina, na siyang tumayo bilang ilaw at haligi ng kanilang munting tahanan.
Isa sa pangarap niya ang makapasok sa sikat na unibersidad sa probinsya ng Bulacan, ang Haleston University. Ngunit hindi niya alam, sa pagpasok niya sa unibersidad na ito ay magsisimulang gumulo ang tahimik niyang pamumuhay.
Sa pagpasok ni Shien sa pangarap na unibersidad ay makakatagpo siya ng mga problemang kailangan niyang bigyan ng sagot at solusyon. Isa sa magiging problema niya ay si KD Montemayor, ang sikat na engineering student sa campus.
Date published: April 23, 2023
Date completed:
Most impressive rank:
# 14 in mylife out of 25.5k stories