The Purple Colors Series | by Jel Evans
3 stories
Red Is The Color Of Violet [PHR] - Completed by phrjelevans
phrjelevans
  • WpView
    Reads 134,094
  • WpVote
    Votes 2,835
  • WpPart
    Parts 15
"Gusto mo ako? Gusto rin kita. Mas gusto kita. Nandito ako para bawiin ka at protektahan laban sa lahat ng mananakit sa 'yo." Na-curious siya sa ini-assign sa kanyang butler-slash- bodyguard-slash-chauffeur. Wala siyang balak alamin ang tungkol sa lalaking araw-araw niyang kasama, promise! Pero unti-unti ay gusto na rin ni Violet na ungkatin ang mga impormasyon tungkol sa lalaki. "My name is Red Miranda. That's all I can tell you." Now that she knew his real name, it seemed that she hungered for more information. Gusto niyang makilala nang husto si Red. At sa kanyang pagtuklas sa pagkatao ni Red-na very interesting pala-unti-unti rin niyang natuklasan ang excitement na hatid ng lalaki. --------------------------------------------------------- Released under Precious Hearts Romances Available for only Php 42.00
The Indigo In Lilac [PHR] - Completed by phrjelevans
phrjelevans
  • WpView
    Reads 174,797
  • WpVote
    Votes 3,492
  • WpPart
    Parts 18
"Good morning, beautiful! Today is a new day! Today is a new life! You are worthy. You are lovely. You are lovable. Someday, someone will love you! Someone will chase after you! Someone will take care of you! Wake up! The world needs you!" Iyon ang recorded voice ni Lilac na ginawa niyang alarm tone. Ang dahilan: gusto niyang palaging i-remind sa sarili na kailangan na niyang kalimutan ang fifteen-year unrequited love para kay Indigo. Na dapat na siyang mag-move on at hintayin ang tamang lalaking nakalaan para sa kanya. Na huwag na niyang gawing mukhang-tanga ang sarili sa paghabol-habol sa mailap na binata. Pero ang lahat ng effort na ginawa ni Lilac sa kanyang pagmu-move on ay parang biglang tinangay ng hangin sa napakasimpleng sinabi ni Indigo. "After your vacation, I might keep an eye on you better. Because I... I want to know how it feels... dating you, Lilac. Kung hahayaan mo ako."
Purple Kisses For the King [PHR] - Completed by phrjelevans
phrjelevans
  • WpView
    Reads 84,608
  • WpVote
    Votes 1,196
  • WpPart
    Parts 14
"Sapat na ang lakas ko para sa ating dalawa. Malaki ang puso ko para magkasaya ka. Adjustable ang sizes ng lahat ng aspeto ng buhay ko kaya sure ako na you will always fit into my life." Kung noong unang panahon ang mga kontrabida sa isang pag-iibigan ay mga matatanda, madrasta, mangkukulam o buong angkan, sa pagmamahalan nilang dalawa ay kakaiba. Nang magsabog ng kamalasan sa mundo, nasapo nilang dalawa. Kaya naman kumunsulta sila sa isang psychic upang itanong kung ano ang dahilan ng kamalasan na nangyayari sa kanila tuwing sila ay magkasama. Malas daw sila. Hindi na raw sila dapat magkita dahil lagi lang silang masasaktan kung ipipilit nila. Paano na ang lovelife nila kung minamalas sila? May mangyayari pa bang swerte para sa kanilang dalawa?