vagrantlilac
- Reads 28,996
- Votes 393
- Parts 46
"Survival of the fittest."
Iyan ang nag-iisang batas sa loob ng Academia de San Lorenzo.
Para sa iskolar na si Rielle Vedad, ang pagiging Top 1 ang tanging tiket niya para maiahon sa hirap ang pamilya. Para sa tagapagmana na si Caleb Salcedo, ang pagiging Rank 2 ay isang sumpa na nagpapaalala ng kanyang pagkabigo sa mata ng kanyang bilyonaryong ama.
Sa loob ng maraming taon, nakulong sila sa isang tahimik na giyera. Si Rielle sa itaas, si Caleb sa likod niya. Walang pwedeng sumingit. Walang pwedeng magpabagsak sa kanila kundi ang isa't isa.
Ngunit pag-apak nila sa huling dalawang taon ng high school, biglang magbabago ang mga patakaran ng laro. Sa pagdating ng mga bagong banta na susubok hindi lang sa kanilang talino kundi pati na rin sa kanilang paninindigan, matututunan nilang ang pinakamahirap na laban ay hindi nasasagot ng kahit anong test paper.
Sa isang paaralan kung saan numero ang nagdidikta ng halaga mo, paano kung ang taong pinilit mong talunin sa loob ng maraming taon ay siya palang kaisa-isang taong sasalo sa'yo?