Hearts Series
3 stories
Shattered Hearts (Hearts Series #1) by kulinnn_
kulinnn_
  • WpView
    Reads 16,845
  • WpVote
    Votes 1,945
  • WpPart
    Parts 39
❀ Wattys 2021 Shortlist ❀ Featured in Wattpad RomancePH's Teen Feels reading list Hearts Series #1 Sa loob ng walong taon ay namuhay si Samantha Alison Cruz na puno ng lungkot at sakit dahil sa malaking responsibilidad na nakapatong sa kanyang mga balikat. Responsibilidad na naputol ngunit naging mitsa ng labis na pighati sa kanyang puso. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay nagnanais pa rin siyang maranasan kung paano ang maging masaya. Sa paglipat niya sa Santa Clara ay makikilala niya ang mga taong magiging dahilan kung bakit niya mararanasan ang kasiyahang pinapangarap. Ngunit hindi yata napapagod ang mundong pasakitan siya. Dahil kung kailan akala niyang okay na ang lahat ay saka siya muling susubukin ng tadhana. Muli ba siyang mamumuhay sa lungkot at sakit? May puwang pa ba ang kaligayahan sa pusong winasak na ng pagsubok? At may pag-asa pa ba ang pagmamahal kung ang taong minamahal mo ay sumuko na rin? SHATTERED HEARTS Genre: Young Adult-Romance, Slice of Life Date Started: December 15, 2020 Date Finished: May 19, 2021 Book cover by: hannahredspring
Unyielding Hearts (Hearts Series #2) by kulinnn_
kulinnn_
  • WpView
    Reads 457
  • WpVote
    Votes 24
  • WpPart
    Parts 30
Hindi naging madali ang buhay para sa isang Gianna Lopez na lumaki sa hirap. Mayroon siyang malaking pangarap para sa kanyang sarili at nangakong mabubuhay siya na walang lalaking makakapasok sa kanyang puso. Dahil para sa kanya ay isang napakalaking hadlang ng mga ito sa pag-abot niya ng kanyang mga pangarap. Ngunit nagkatagpo ang landas nila ni Elion Perez-isang binata na lumaki sa isang marangyang pamilya. Tipikal na mayaman na gagawin ang lahat makuha lang ang kanyang naisin. Magagawa nga kaya ni Elion na makapasok sa buhay ng dalaga at makakaya niya kayang maangkin ang puso nito? O mapapanatili ni Gianna ang mahigpit na kapit sa prinsipyong pinangangalagaan niya? May mabubuo nga kayang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang taong magkaiba ang ipinaglalaban sa buhay? UNYIELDING HEARTS Genre: Young Adult-Romance; Slice of Life Date started: June 9, 2024 Date finished: Book cover by: HannahRedspring
Bruised Hearts (Hearts Series #3) by kulinnn_
kulinnn_
  • WpView
    Reads 15
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
~ SOON ~ Kumplikadong buhay ang nakalakihan ni Georgina Lopez. Ngunit sa kabila niyon ay nanatili siyang positibo sa lahat ng bagay, maging pagdating sa pag-ibig. Hindi naging sarado ang puso niya sa pagkakataong maranasan ang magmahal at mahalin. Dumating si Marcus Tadeo Hernandez sa buhay niya at aaminin niyang agad siyang nahulog dito. Kaya naman nang mahalin din siya nito ay abot-langit ang sayang nadarama niya at para sa kanya ay wala na siyang mahihiling pa. Ngunit hindi niya inaasahan na ang unang pag-ibig ay siya ring magdudulot ng malalim na sugat sa kanyang puso pagkatapos siya nitong iwan na walang iniwan maski isang salita. Naghintay siya sa pagbabalik nito sa loob ng anim na taon. Natupad ang hiling niya ngunit sa panahon pang handa na sana siyang tumanggap ng bagong pag-ibig. BRUISED HEARTS Genre: Romance; Slice of Life Started: Finished: Book cover by: HannahRedspring