exseanito
- Reads 609,198
- Votes 18,788
- Parts 44
Si Yazid Leroy Egamino ay isang piyanista na buong puso kung tumugtog para sa kanyang banda na itinuturing na niyang pamilya. Namumuhay siya nang masaya at may tiwala sa lahat, naniniwala na ang pag-ibig at pagkakaibigan ay dapat laging tapat. Kontento na sana si Yael sa buhay niya, hanggang sa makilala niya si Sergius Elron Paradillo.
Isang misteryosong lalaki mula sa bundok na may matatalas na tingin at pusong mailap, unti-unting niyanig ni Sergo ang mundo ni Yael. Sa kabila ng pader na nakapaligid sa lalaki, hindi napigilan ni Yael ang kanyang sarili na mahulog sa mapanlinlang nitong alindog.
Ngunit sa likod ng bawat ngiti at sulyap, isang masakit na katotohanan ang nagtatago sa ilalim: pandaraya, manipulasyon, at pagtataksil.
Ang pag-ibig na akala ni Yael ay totoo, unti-unting naglaho at naiwang hungkag. Ang dating magandang harmoniya ng kanilang pagsasama ay naging isang mapait na himig ng kabiguan. Napilitan si Yael na harapin ang katas na ang lahat ng naramdaman niya ay isa lang palang maling akala.
Sa gitna ng sakit, kailangang mahanap ni Yael ang lakas para bumitaw. Sa pag-iisa niya, susubukan niyang mahanap muli ang sarili, nasasaktan man, pero dahan-dahang naghihilom.