thiskidisarjie
Bawat tao ay may kanya-kanyang kaibigan na kasama sa bawat parte ng buhay nila. At sa mga kaibigan nila ay may mga pangyayari na hindi kayang kalimutan at mananatili sa puso nila. Kahit masakit man o masaya. Mga kaibigang kaagapay kahit sa mga mapapait at masasayang araw sa buhay mo.
Iba-ibang uring kaibigan meron tayo. May isang baliw, tanga, masungit, minsan naman masayahin, minsan tahimik, minsan hindi kumi-kibo, chismosa, masyadong matapang, mayabang at mahangin. Pero kahit ganyan sila umasta ay kasama parin natin sila dahil sa kanila natin naranasang maging masaya, komportable at sa kanila natutunan natin kung ano ang ibig sabihin ng salitang "Friendship".
Sa mga tinuturing nating kaibigan ay nagawa natin ang mga bagay-bagay na tayo lamang ang nakakaintindi, mga bagay na masasaya at mga kengkoy, mga bagay na umabot na sa puntong hindi na tama, mga bagay na talagang hinding-hindi malilimutan. Ang sarap balikan noh?
Lahat tayo ay humangad na bumalik sa nakaraan at gawing muli ang mga sandali na nagpapasaya sa atin kasama ang mga kaibigan. Bumalik sa nakaraan at tuklasing muli ang mga pangyayaring naging dahilan kung anong mayroon at kung ano ka ngayon. Pero wala tayong kapangyarihan na sa isang iglap ay babalik sa nakaraan at hindi tayo isang imbentor na gumawa ng isang time machine para pumunta sa nakaraan. Pero kung isang araw ay mangyayari ang hindi mo inaasahang mangyari, ang bagay na hinihiling ng bawat tao, ang bumalik sa nakaraan.