septembersvn
[WLW]
"Ang ganda-ganda ng langit ngayon. Klarong-klaro ang mga bituin. Ang sarap dumagdag ng isa."
Ang tawag nila sa'kin, "Caroline".
Na para bang hindi nila naamoy ang bulok na umaalingasaw sa pangalan na 'yon.
Hindi ako si Caroline.
Patay na si Caroline.
Ang buong pangalan ko ay Maurine Celestine Candelaria. Mahaba, oo. Mas mahal ipaukit sa lapida.
Ngayon, namumuhay ako bilang si Caroline. Ang namayapa kong kambal. Hindi dahil sa kagustuhan ko, kundi dahil hindi matanggap ng pamilya ko na wala na ang pinaka-paborito nila sa aming dalawa.
I became her ghost to keep my mother sane.
Ako ngayon si Caroline, dahil mas gugustuhin kong mabura, kesa mag-alaga ng baliw na ina.
"Celestine."
Until she whispered my name.
Ang babaeng bumigkas ng pangalan ko sa unang beses sa loob ng tatlong taon. Pangalan na halos nakalimutan ko na rin.
Ang pakilala niya sa'kin, siya daw si Romance.
"Romance, as in, the death of."
Dapat doon pa lang pala, nalaman ko na.
Na hindi lahat ng nabubuhay, humihinga.
At hindi lahat ng namamatay, naililibing.
Dapat pala sumama na ako nang tinanong niyang, "Will you wilt with me?"