binimutya
She's just an ordinary girl with an extraordinary secret─isang sikreto na buong puso niyang itinago sa loob ng kanyang diary. Hindi dahil mahina siya, kundi dahil natatakot lang siyang masaktan. For years, she loved him from afar. Hindi siya umasa, pero umibig siya nang tahimik, walang hinihinging kapalit.
Sa tuwing dumadaan ang taong mahal niya, her heart would skip a beat. Minsan kinikilig, madalas kinakabahan, pero laging may kirot─dahil alam niyang hindi siya nito mapapansin. And yet, she memorized everything about him. Kung paano siya ngumiti, kung paano siya tumawa, at kung paano siya naglalakad na parang walang iniintindi sa mundo. Every word she wrote was a piece of her truth. A version of love na siya lang ang may alam. Bawat sulyap, bawat simpleng galaw, bawat sandaling para sa kanya lang mahalaga─nakasulat lahat 'yon sa pahina ng diary niya.
Walang nakakaalam. Ni isang kaibigan, ni isang kapamilya. Sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, tanging ang diary lang ang naging saksi sa dami ng beses na nasaktan siya sa tahimik niyang pagmamahal.
But what if some twist of fate has a different plan?
Paano kung isang araw, mabuksan ang mundo niyang pilit niyang itinatago? What if someone finds that diary? What if he finds it?
Would he laugh? Would he walk away? Or... would he finally see her?
𑁍ࠬܓ𖡼܀