jswy1ng
Nakakulong ang iilang estudyante sa loob ng Javier High - isang paaralang unti-unting nilalamon ng dilim at takot. Sa bawat yabag nila sa mahabang pasilyo, tila may presensyang nakamasid... naghihintay... at handang manakmal.
Ang dating tawanan at samahan ay napalitan ng sigawan, hinala, at pagkakawatak-watak. Ang mga kamay na minsang nagdamayan ay ngayo'y nagtutulakan para lamang mabuhay. Habang nauubos ang oras, unti-unti ring nauubos ang kanilang pag-asa.
Sa gitna ng bangungot na walang kasiguruhan ang wakas, iisa na lamang ang tanong na bumabalot sa kanilang isipan -
lalaban ba sila... o tatakas habang may pagkakataon pa?