zhany_au
- Reads 15,268
- Votes 357
- Parts 36
Sa isang gabing puno ng alak at pagmamaneho, aksidente ang nagbago ng buhay ni Skye Emerson Wren. Pilit siyang pinabasa ng matalik niyang kaibigan na si Athena ng nobelang Boys Love na 'Saving My Prince From The Evil Duke' at hindi niya akalain na magiging obsesyon niya pala ito. Naengganyo siya sa kwento nina Prince Caspian the next heir of Valtania at Prince Kaiden of Marlenia, at hindi niya mapigilang basahin ang bawat pahina.
Ngunit nang magising siya sa isang lumang kwarto na hindi niya kilala, nalaman niyang hindi lang basta libro ang kanyang binasa... Siya'y muling nabuhay sa mundo ng kanyang paboritong nobela! Nakita niya ang mga pamilyar na muwebles at dekorasyon mula sa libro - ang kwartong ito ay pag-aari ni Duke Victor Thane Valois, ang Duke ng Valtania at ang kontrabida ng nobelang ito.
At ang pinakamasama, nalaman niyang siya pala ang personal na katulong ni Duke Victor- ang karakter na ayaw niya dahil sa kanyang kalupitan at kahangalan. Ngayon, siya'y nahaharap sa isang buhay na hindi niya inaasahan. Paano niya haharapin ang mga pagsubok na ito? Matutupad niya ba ang kanyang papel bilang katulong ni Duke Victor, o maghahanap siya ng paraan para baguhin ang takbo ng kwento?
Started: 04/16/25
Ended: 04/25/25