roary_quills's Reading List
6 stories
Segunda by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,409,656
  • WpVote
    Votes 41,431
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
Penultima by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,958
  • WpVote
    Votes 2,539
  • WpPart
    Parts 10
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,330,818
  • WpVote
    Votes 88,817
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,675,825
  • WpVote
    Votes 587,206
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
'Til Our Next Rivalry by roary_quills
roary_quills
  • WpView
    Reads 1,008
  • WpVote
    Votes 51
  • WpPart
    Parts 33
If you discovered you were in love with your academic rival, how would you act? Even if you were her worst enemy, would you still play that part? Sa mundo na puno ng paligsahan, pag-ibig ang sumibol sa pagitan nina Chad at Kaye, mga pangalan na sila lang din ang may kakayahang bumigkas. Sa pagkakataong ito, wala nang maaaring matalo o manalo, dahil pareho nilang kakalabanin ang buhay nang magkahawak ang mga kamay. Ngunit, sa pagkakataong tadhana na ang gumagawa ng paraan upang paglayuin sila, hindi lamang oras ang kanilang nasayang, pati na rin ang daan na dapat ay magkasama nilang binabagtas at pinagsasaluhan. Ilang ulit nilang sinubukan. Ilang ulit din silang nabigo. Ilang ulit nilang hinanap ang daan patungo sa isa't isa. Ilang ulit din silang naligaw sa pag-asang sila ay magkakasama pa. Sa kabila ng lahat, walang kayang humadlang sa kanilang pagsinta. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay sa mundo, kagaya ng mga alon sa dalampasigan noong mga sandaling ang isa ay nakasuot ng bestidang pula habang ang isa ay may hawak na kamera, kagaya noong maliligayang segundong nakaharap sila sa Eiffel Tower, ang lahat ng bagay ay may hangganan. Kakayanin pa kaya nilang ituloy ang kanilang kuwento kung tadhana na mismo sa kanila ang humahadlang? O ipagpapatuloy pa nila ang lahat sa kabila ng sakit na kanilang dinaramdam?