MaumauGano's Reading List
3 histoires
Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke] par FinnLoveVenn
Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]
FinnLoveVenn
  • LECTURES 263,150
  • Votes 6,614
  • Parties 42
EMPIRE SERIES 1 Lucia Sullen- nag iisang anak na babae ni Baron Miguel sa Ambrosetti Empire, mabait, mapagmahal na anak at higit sa lahat ay kilala siya bilang isa sa pinakamagandang binibini sa loob ng emperyo. Ngunit na sadlak ang buong pamilya nila sa isang aksidente na nagdulot nang pagkasira ng negosyo nila, hindi na alam ng Baron saan kukuha ng pera at hindi akalain na makakautang sa Duke ng Istvan. Kay Duke Samael Levi Istvan- ang kinatatakutan ng lahat sa buong emperyo dahil sa kapangyarihan at yaman nito, may mga usap-usapan din na sangkot ang Duke sa pagkamatay ng na una at pangalawang asawa nito na nag iwan sa pagkabyudo niya ngayon. Mayroon siyang nag iisang anak sa unang asawa na si Sevius Louis Istvan, ang batang susunod na magiging duke kapalit ng kaniyang ama. Kilala ang mag-ama bilang tahimik at kinatatakutan ng lahat, ngunit ano na lang ang mangyayari kung biglang pumasok sa buhay nila ang dalagang naging kabayaran ng utang ng kaniyang ama? Ano na lang ang gagawin ni Lucia kung malaman niya na siya ang pangatlong asawa ng duke at magiging bagong ina ng batang duke ng Istvan? "Sino nag sabing tanggap kita bilang bago kong ina?" "Wala akong asawa na tatanga-tanga," "Ahhh! Tubusin niyo na ko!" Storya ng babaeng naging kabayaran sa utang ng kaniyang pamilya at sa mag-amang hindi nakatikim ng masayang pamilya. ©All rights reserved 2023 No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or means without the author's written permission. I don't own any of the pictures used in this book. It is copyright to the rightful owner.
Blood Contract with her Royal Villainess par FinnLoveVenn
Blood Contract with her Royal Villainess
FinnLoveVenn
  • LECTURES 415,984
  • Votes 10,400
  • Parties 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling siya sa isang libro itim na nagsasaad ng kakaibang kwento na hindi niya pa nababasa sa kahit ano mang libro na ukol sa kanilang bumagsak na emperyo. Isang kwento na umiikot sa prinsesa na si Diana Athena Eckheart at ang pag-iibigan nito sa isang bampira na si Viggo. Ngunit ang pinagtataka niya ay bakit mas ramdam niya ang hirap at hinakit ng kontrabida sa libro, isang karakter na nagngangalang Kiera Deidamia Cicero Romulus na mamatay sa kamay ng bampirang si Viggo. Hindi mawari ni Cana kung bakit tila dalang-dala siya sa pagkamatay ni Kiera at hindi inaasahan na sa pagmulat ng kaniyang mata ay nasa loob na siya ng mismong libro na kinahuhumalingan niya. Hindi nga lang sa katawan ng bida na si Diana kung hindi sa katawan ng kontrabidang si Kiera. Ano na lang ang gagawin niya kung alam niyang mamamatay siya sa kamay ng bampirang si Viggo? Matatakasan niya ba ito? Pano na lang kung hindi buhay niya ang makuha ni Viggo kung hindi ang puso at pag-ibig niya? Mababago niya ba ang kapalaran niya? Mababago niya ba ang takbo ng storya? Blood Contract with Her Royal Villainess [ENGLISH VERSION IS EXCLUSIVE IN DREAME] All right reserved 2020 No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or any means without written permission from the author. Written By: FinnLoveVenn
Revenge of a Rejected par FinnLoveVenn
Revenge of a Rejected
FinnLoveVenn
  • LECTURES 275,828
  • Votes 8,024
  • Parties 122
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung ni reject mo ang fated mate mo para sumama sa chosen mate mo? Ngunit nagkamali ka dahil ang chosen mate mo ay iniwan at pinagpalit ka. Iyon ang nangyari kay Elara Celestia Arundel, matapos niyang malaman na pingabubuntis niya ang anak ng nobyo at chosen mate niya na si Elijah Reed ay ni reject siya nito at pinili ang kaniyang stepsister na si Fiona Arundel. Ang hindi alam ni Elara ay planado na ito ng kaniyang stepsister at stepmother, nais nilang makuha si Elijah na Alpha ng kanilang Forestheart pack. Simula ng mamatay ang kaniyang ina at umalis sa ng empire ang kaniyang ama ay unti-unti na siyang nilalason ng kaniyang stepmother dahilan para makunan at mamatay siya. Bago malagutan ng hininga ay nalaman niya ang katotohanan sa buong plano ng stepmom niya. "Kahit sa huling hininga mo ay uto-uto ka pa rin Elara, masyado kang mabait kagaya ng iyong ina, kaya ka mamamatay ngayon ng walang laban." Sa kaniyang huling hininga ay pinangako niyang gaganti siya, pinangako niyang sisingilin niya lahat ng nang api at nagmaliit sa kaniya. At pagmulat ng kaniyang mga mata ay bumalik siya sa nakaraan, isang taon bago ang pagkamatay niya. Doon niya muling nakilala ang fated mate na ni reject niya, at kaniyang naisip na gamitin si Damian Raven Ashford sa kaniyang paghiihganti. Minarkahan nila ang kanilang alyansa. Revenge of a Rejected.