Cinnamorena
- Прочтений 2,875
- Голосов 183
- Частей 17
Paano kung isang araw . . . magigising ka na lamang bilang kontrabida ng isang istorya? At ano ang iyong gagawin sa oras na mahulog ang iyong kalooban sa kapwa mo antagonista?
Hangad ng isang manunulat na si Marialunea Sae Caringal ang makalikha ng isang nobela. Ngunit sadyang lahat ng pangarap ay palaging may hadlang at para kay Lune, iyon ay ang writer's block na kaniyang nararanasan. Hanggang sa matagpuan niya ang isang librong magdadala sa kaniya papunta sa ibang mundo...patungo sa ibang pagkatao.
At sa bagong mundong iyon ay makikilala niya ang taong magiging hamon sa kaniyang pananaw at prinsipyo na siyang kontrabida sa mismong kuwento-si Heneral Lejandro Almazan.
Sa gitna ng kanilang tila walang hanggang bangayan, pag-ibig ba'y magbubunga? Paano kaya ipaglalaban ng dalawang antagonista ang kanilang pagmamahalan?
Aayon ba sa kanila ang sulat ng tadhana?
----
Started: 12/26/24
Ended: -