AteSamuha21
- Reads 3,693
- Votes 43
- Parts 2
Si Jillian S. Ramirez ay lumaking pasan ang bigat ng mundong hindi naman niya hiniling. Anak siya sa labas, isang kapalarang naging dahilan para abusuhin siya ng sariling ama, at minsan pa'y tangkang ipagbili sa matandang kumpare nito. Tanging ang kaniyang stepmother lang ang kumakalinga sa kaniya, ngunit maging ito ay isang martir na walang lakas lumaban. May kapatid din siyang lalaking halos hindi siya kilala, at mas malayo ang loob kaysa sa pagitan nilang magkapatid.
Kahit ganoon, nagsikap si Jillian tumakas mula sa madilim niyang tahanan. Muntik na sana siyang ikasal sa best friend niyang tanging nakasalo ng luha niya, pero siya na rin ang kusang umalis bago masakal sa relasyong hindi niya mahal.
Sa dulo ng lahat ng paglayo at pagtakbo, muli niyang nakatagpo si Aiken Zhaiker Los Dias, ang lalaking matagal na niyang nakilala noon, pero ang huling pagkakataong nagkrus ang landas nila ay nag-iwan sa kaniya ng sakit na halos winasak ang sarili niya.
Ngayon, ang tanong, hanggang kailan tatakbo si Jillian bago niya matagpuan ang pag-ibig na hindi na kailangang katakutan?