UnperfecTine
2021, sa gitna ng pandemic,
Masaya si Christie sa RPW, heto lang ang libangan ng lahat. Dahil gusto nila makatakas sa malungkot na araw.
Isang araw, nakilala niya kapwa RP(role player) na si Lorenzo. At dito na nabuo ang kanilang pagpapanggap sa Virtual world.
Alam ni Christie na may girlfriend ang lalaki
Pero ayaw bitawan ni Christie ang lahat dahil first time niyang maramdaman na may nakakaintindi sa kanya kahit pagpapanggap lang ang lahat.
Hindi nagtagal, ang pagpapanggap ay parang nagiging totoo sa mata niya. Hindi na ito basta RP lang, may laman na ang bawat mensahe sa kanya ng binata.
Wala pang isang buwan, naganap na ang masamang pangyayari, Nabuko na sila.
Nagkagulo, nagkagusot. Tinanggi nic Lorenzo lahat, pati nararamdaman niya sa dalaga. At sa huli, pinili niya ang kanyang nobya.
Tatlong taon lumipas nagkita ulit sila, hindi ito dala ng tadhana pero sinusubok sila ng kapalaran. Mayroong nilapag na plano si Lorenzo bagay na tinanggap kalaunan ni Christie dahil kailangan niya rin ang binata.
-🍁