leemontot
Bakla.
Vaklush.
Bading.
Binabae.
Maraming tawag sa akin. May pangalan naman ako pero ito na ang palaging naririnig ko simula nang kumalat ang tsismis. Well, totoo naman tungkol sa kasarian ko pero hindi ang buong tsismis. Sa isang banda, I am relieved that my skeleton is already out of the closet. Na-Fastracked. Pero sa isang banda, may nadamay.
Si Toff.
Kaibigan ko si Toff, not a bestfriend but a friend lang. Ngayon nga lang hindi ko alam kung mag-kaibigan pa rin kami. Kasi, katulad ko, lahat ng ka-klase namin iniisip na bakla rin siya...
Partly, my fault. Kasi I confessed na may gusto ako sa kanya... sort of.
Hindi sa rooftop. Hindi sa likod ng Science and Arts Building. Hindi rin sa ilalim ng mistletoe, hindi pa December at walang ganun sa Pinas. Hello?!
Sa comfort room...
Yeah, it's lame right? Maniwala kayo sa akin at wala rin nangyaring kinky sa palikuran. Peksman!
At dala ng emosyon at masamang tiyan. Inamin kong gusto ko si Toff... at pambihira nautot ako!
Oh weeeell!