writerscolonyarena
UTOL
ni: Paul Ino
Ang ating pagka musmos
Ay nag uumapaw sa saya.
Tayo tayo magkakampi
Sa lahat ay magkasangga.
Walang iwanang nagaganap
Naka agapay lang sa tuwina.
Magkasama sa mga bagay
Na malungkot man o masaya.
Tangan tangan pa natin nuon
Mga payo't pangaral ni ama.
Higpit ng yakap ni ina
Pinaghahatian pa nating lima.
Huwaran yang magkakapatid
Yan ang taguri satin ng iba.
Ngayon ay halos nagiba na
Pundasyong naipunla nila.
Bakit habang tayo'y lumalaki
Pakikitungo na ay nag iiba.
Lumalayo na ang loob
Natututo pang manghusga
Pananaghili ay sagad
Wala namang sapat na dahilan.
Mga inggit at pagkasakim
At pababa pa na hilahan.
Ako din naman ay nainggit
Ngunit di ko ginawang depresyon.
Bagkus aking kang inunawa at naging inspirasyon.
Kung paano mapapabuti
Nasisira na nating relasyon.
Datapwat positibo lamang
Mga pina planong solusyon.
Ako daw kasi ang mas nakatatanda
Kaya ako na lang ang magparaya.
Mas malawak ang pag iisip
Kaya dapat na mas umunawa.
Ngunit kami bang mga kuya inyo bang isina alang alang?
Na karapatan naman namin na tumanggap ng pag galang.
Sa pinakamamahal naming magulang
Sinserong paumanhin sa inyo.
Kung nakikita ninyo kami
Sa magulong sitwasyon na ito.
Hindi po namin sigurado
Kung ito pa ba'y maiwawasto.
At maibabalik pa ba namin
Lahat ng tinuro ninyong respeto.