zyzykesha2012's Reading List
68 stories
Huling Tanaw by Geminiyaa_
Geminiyaa_
  • WpView
    Reads 88
  • WpVote
    Votes 18
  • WpPart
    Parts 3
Si Hiraya Sandoval ay isang binibining lumaki sa ilalim ng mahigpit na pamamalakad ng kaniyang pamilya sa Valeria, kung saan inaasahan siyang maging huwarang dalaga na masunurin at tahimik. Sa kabila nito, unti-unting nabubuo sa kaniya ang matinding pagnanais na makawala at makita ang mundong lampas sa kaniyang bintana, hanggang sa isang araw ay pinili niyang tumakas upang hanapin ang kalayaang matagal niyang inaasam. Sa kaniyang paglalakbay, nakilala niya si Dr. Adonis Ferrer, isang doktor na sanay sa realidad ng buhay at kamatayan, na hindi inaasahang naging bahagi ng kaniyang paglalakbay patungo sa mas malawak at mas masalimuot na mundo. Ngunit sa bawat hakbang na kanilang tinatahak, hanggang saan nila kayang yakapin ang katotohanan kapag ang mundong pinapangarap ni Hiraya ay hindi kasing ganda ng inaakala niya?
QUEEN'S SOUL by stories_of_Akira
stories_of_Akira
  • WpView
    Reads 214
  • WpVote
    Votes 22
  • WpPart
    Parts 11
"I am Cassandra Dela Vega. I don't do history and I really hate History" Para kay Cassie, ang buhay ay isang mahabang Instagram feed-curated, expensive, at laging ready. Siya ang itinuturing na Queen ng lahat. Ang tanging problema? Isang bagsak na marka sa Philippine History at isang masungit na si Prof. Antonio Luna na determinadong wasakin ang kaniyang perpektong mundo. Isang pekeng sakit, isang bote ng suka, at isang desperadong pagtakas ang kaniyang ginawa para lang maiwasan ang nakamamatay na field trip sa National Museum. Akala niya, nalinlang na niya ang lahat. Akala niya, ligtas na siya sa Nakaraan na pilit na isinusuksok sa kaniyang utak.l Ngunit sa gitna ng kaniyang marangyang buhay, isang misteryosong matanda ang nag-iwan ng babala: "Ang hindi mo gustong makita, siya ang lilingon sa'yo." Isang itim na bato ang magsisilbing susi. Isang aksidente sa madilim na pasilyo ng museo ang magpapabago sa takbo ng kaniyang orasan. Sa isang kurap, ang "Queen" ay magigising sa isang mundong walang kuryente, walang WiFi, at walang takas-isang panahon kung saan ang kaniyang ganda ay hindi sapat para mabuhay. Dahil sa kaniyang pagdating, isang propesiya ang magigising. Isang sinaunang hari ang naghihintay ng kaniyang sasaniban-isang kaluluwang itinakda upang baguhin ang daloy ng kasaysayan. Magagawa kaya ni Cassie na panindigan ang kaniyang korona kung ang tadhana mismo ang nagnanais na siya ay maging alipin ng nakaraan? O tuluyan na ba siyang lalamunin ng kasaysayan na dati ay kaniyang kinamumuhian? Get ready to travel back, because the past isn't just a subject... it's a trap.
Taming the Waves (College Series #2) by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 63,004,233
  • WpVote
    Votes 1,841,822
  • WpPart
    Parts 48
PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed as the black sheep. Araw-araw ay ipinaparamdam sa kanya ng mundo na wala siyang lugar sa sarili niyang tahanan. She was a consistent dean's lister and an obedient daughter, which left her wondering what she had done so wrong to be disregarded as a speck of dust in the wind. They made her feel like she was just dirt, filling up the empty space. The one who would never have her own safe place. Feeling all of this contributed to her endless suicidal ideations. Baka nga tama sila. Baka nga wala siyang halaga at kailanman ay hindi na sasaya. She almost believed that. She almost held onto that notion. Not until she met the man in his BS Civil Engineering uniform and gorgeous grin, Troy Jefferson Dela Paz. He kissed her forehead, and her loud thoughts were silenced. Her demons calmed down. Her foes were defeated. For the first time in her life, she had proven her family wrong---a happy Elora Chin was possible. She was loved and well-taken care of. Troy embraced her sharp parts, not minding the wounds he might get. But fate had a lot of cruel things in store for her. Because when she thought she had reached the peak of happiness, she found myself drowning alone in the ocean she now called home, alone in her shame, alone with the waves she couldn't tame.
Taming the Waves by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 1,764,427
  • WpVote
    Votes 30,362
  • WpPart
    Parts 2
A youthful, carefree, and romantic one-shot story of Chin and Troy's first child, Trevor Justice Dela Paz. Inksteady ©️ 2022
Chasing the Sun (College Series #1) by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 67,624,316
  • WpVote
    Votes 2,030,176
  • WpPart
    Parts 47
PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 09/09/2020 Ended: 10/07/2020 Solene Clemente was a typical Civil Engineering student who struggled to put up with her studies. Kung pwede ngang i-bake na lang ang napakaraming itlog sa test papers niya, ginawa niya na. At a young age, she experienced the harsh reality of life-poverty, abuse, and a broken family. But, as someone who could see the bright side of everything, she knew she could make it with only her mother and best friend, Duke Laurence Sanders, whom she secretly loved. Kahit pa naghihirap, basta kasama niya ang ina, kaya niya. Kahit pa madalas niyang hindi maintindihan ang lessons, ayos lang kasi may Duke naman na tuturuan siya. Na kahit gaano kalupit ang tadhana, patuloy siyang lumalaban sa buhay dahil may dalawang taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya. She became too dependent on the love they could offer. But little did she know, like the sun she adored, she was destined to be alone.
Hell University by KnightInBlack
KnightInBlack
  • WpView
    Reads 183,833,378
  • WpVote
    Votes 5,180,772
  • WpPart
    Parts 63
Sucker for adventures, Zein and her friends try to find Hell University to satisfy their curiosity... Little did they know that once they enter that place, there is no turning back. *** Tight-bonded and adventurous, Zein Shion and her friends embark on a journey to find the elusive Hell University. Despite the doubts forming in her mind, she joins the search and enters what seems to be an abandoned school. However, things take a turn when they discover that there's no way out of that place. Forced to survive in an environment where anyone can be killed at any point, Zein is pushed to make a choice. Will she choose to uncover the mysteries of Hell University and put the monstrosities to a stop? Or will she play it safe and try to keep her and her friends alive? DISCLAIMER: This story is written in Taglish.
Kapalit ng Kalayaan by Elliana_Sten
Elliana_Sten
  • WpView
    Reads 3,434
  • WpVote
    Votes 161
  • WpPart
    Parts 8
Si Isabela Zobel Olivarez ay ang bunso at unica hija ng kanilang pamilya. Siya ang nag-iisang Prinsesa ng mga Olivarez- ang pang-anim sa pinakamayamang pamilya sa Cavite. Sa ngalan ng kapangyarihan at negosyo, nagawa siyang ipagkasundo ng kaniyang mga magulang kay Alejandro Fiero Ayala, ang panganay at unico hijo ng pamilya Ayala- pangatlo sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa Cavite. Napapaligiran man ng mga taong may matataas na tungkulin sa pamahalaan, alam ni Alejandro ang korapsyon na nagmumula sa kaniyang pamilya, kung kaya pinili niyang tumaliwas sa landas na gusto ng kaniyang ama. Nagpumilit siya na tahakin ang landas ng medisina. Bilang kapalit, kinakailangan niyang pakasalan ang babaeng pipiliin sa kaniya ng kaniyang ama. May karapatan mang tumanggi, ay pumayag din sa kasunduan si Isabela, para sa dalawang bagay... proteksyon at kalayaan. Pero proteksyon kainino? Kalayaan saan? Paano mabubuo ang kwento ng dalawang tao na nagsama lamang para sa sarili nilang kagustuhan at pangangailangan? At hanggang saan ang kaya nilang ipalit sa ngalan ng kalayaan?
Pursuing Our Freedom| ✓ by alluringli
alluringli
  • WpView
    Reads 15,945,412
  • WpVote
    Votes 589,830
  • WpPart
    Parts 51
[PUBLISHED UNDER LIBxWattpad] seniors series #3 A Senior Highschool series. complete [unedited] We are expected to be filial to the ones who brought us into this world. Pero hanggang saan ba ang hangganan ng pagiging mabuting anak? Philomena Gracia Valderama is the epitome of an obedient daughter, lahat ng utos sa kan'ya ng kan'yang mga magulang ay sinusunod n'ya nang hindi ito kinukuwestiyon. There's only one thing that she can't give to them freely, her choice of career. Pero sa huli, she still can't repel from their decisions and she has to sacrifice her passion for practicality. She's currently in HUMSS, because they want her to take law in the future even if she wants to be a teacher instead. Iscalade Jance Altreano is the social butterfly of the STEM strand, lahat 'yata ay kaibigan n'ya kahit ang mga terror nilang professors ay nagiging matalik n'yang kasundo. Except for her, this particular shy girl who tells him that he is her best friend. At sa unang pagkakataon sa buhay n'ya, he doesn't want her to be on his list of friends... because he certainly wants more. We all want to be freed from the invisible chains that we don't let others see but sometimes staying chained is easier than pursuing our freedom. highest rank: #3 teen fiction
Dayanghirang by lawrence087770
lawrence087770
  • WpView
    Reads 175,759
  • WpVote
    Votes 4,584
  • WpPart
    Parts 78
=Book 1 of 2 of the Babaylan Duology Parating na ang katuparan sa napagkasunduan.... Ihanda ang daanan ng dayanghirang.... Ang pangako ng mga babaylan ay maisasakatuparan.... Lakan at Lakambini, magbigay-galang!
Ciello; The Millennial in 1887 (COMPLETED) by yourlin
yourlin
  • WpView
    Reads 239,787
  • WpVote
    Votes 7,166
  • WpPart
    Parts 42
Si Ciello ay isang architecture student na nag-aaral nang mabuti kahit sa simula pa lang ay napilitan lamang siyang kunin ang kursong ito. Ngunit nang mapadpad siya sa panahon ng mga Kastilang mananakop, hindi niya inakalang ang pinag-aaralang kurso ay magagamit niya upang magkaroon ng laban bilang isang babae sa panahong tanging mga kalalakihan lamang ang pinakikinggan. Magamit niya kaya sa wasto ang kaalamang taglay o siya ang magamit ng mga taong nakapaligid sa kanya? (September 20, 2017 to March 10, 2018.)