Phanie98
Naniniwala ka ba sa salitang tadhana? Sabi raw nila sa salitang ingles
"destiny". Destiny na makasama mo yung taong yun habang buhay at kahit anong mangyari kahit layuan mo, mag-away kayo o hindi mo siya kilala, babalik ng babalik siya sayo kasi isa iyong tadhana na balang araw kayo ang magkakatuluyan. Limang taon ko siyang hinihintay simula Grade 5 ako. Madaming dumaan na guwapong nilalang ngunit siya parin ang type ko. Hindi ko maintindihan nung una kasi dati ang tingin ko lang talaga sa kanya ay "Kuya" as in kapatid lang pero simula noong nangyari yung dare unting-unti nahulog ang loob ko sa kanya. Simple lang siya na lalake, mabait, matalino, makapagkaibigan,caring at cute.Ang simple nga talaga ng qualities pero ito yung hinuhugot ng puso ko.Naging mag-best friends at nagkatagpo ulit simula noong first year ako at siya naman second year.Hindi ko akalain magiging super close kami pero habang tumatagal lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya.
Ako si Lei Castro at ito ang storya ko.