His-Fic
31 stories
Curse of the Rain (COMPLETED) by yourlin
yourlin
  • WpView
    Reads 21,473
  • WpVote
    Votes 840
  • WpPart
    Parts 102
Ulan was cursed for some reason that she can't even remember. So many generations had passed yet she's still wondering what's wrong with her until the water talked to her. (October 2, 2021 to January 22, 2022.)
An I LOVE YOU from the Past by msophieee13
msophieee13
  • WpView
    Reads 201,245
  • WpVote
    Votes 4,592
  • WpPart
    Parts 69
{[ COMPLETED with 2 Special Chapters]} [[Highest Rank #4 in Historical Fiction]] "Dalawang pusong nasa magkaibang panahon, pagtatagpuin ng pagkakataon" Alexandria Maribella is a 17 year old girl who lives in the year 2017... She is very addicted on using gadgets and almost losing her time studying... 3 years later which is year 2020, she already graduated highschool... But when she celebrated her 20th Birthday... Something she never expected happened... She time traveled to the past... YEAR 1892... And she cannot go back until she finishes her mission, a mission that was never told... A mission that will only be told when she finishes it. WILL SHE FINISH HER MISSION? Will LOVE guide her? Or will LOVE block her way? *** Date Started: May 24 2017 Date Ended: July 9 2017 *** This story's main language is filipino/tagalog.... But still has english, duhhhh!!
My Handsome Katipunero by JanelleRevaille
JanelleRevaille
  • WpView
    Reads 976,498
  • WpVote
    Votes 39,780
  • WpPart
    Parts 59
[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang paghanga sa mga ito ay ginagaya nya rin ang pananamit at lifestyle nila. Tinatangkilik niya ang mga produktong banyaga. At dahil lumaki siyang nakahain na ang luho sa harapan ay pabalik-balik siya kung pumunta sa iba't ibang bansa. Kulang na nga lang manatili siya doon ng tuluyan kung hindi lang dahil sa kanyang ina. Ang kanyang mga magulang ay mga kilalang Filipino Historian. Kaya tutol ang mga ito sa kinaaadikan ng kanilang anak. Bukod sa pagkasuklam niya sa sariling lupang sinilangan, siya rin ay maldita, suplada at mapangmata. "Alam mo, sana bumalik ka sa mga panahon kung saan isinakrispisyo ng mga bayani ang sarili nila para sa kalayaan," nasabi sa kanya ng kanyang ina ngunit binalewala lamang niya ito at natulog. Ngunit pano kung paggising niya ay bumalik siya sa taong 1896? At paano kung makilala niya si Antonio Hidalgo, ang gwapong katipunero ng Kataastaasang, kagalanggalangang katipunan ng mga anak ng bayan? Siya na ba ang babago sa isang Kristin Lopega? Siya na ba ang tutunaw sa yelong nakapalibot sa puso ng ating bida? Date Published: June 12, 2016 Dated Finished: April 18, 2018
Hiraya (✔️) by JacklessRose
JacklessRose
  • WpView
    Reads 59,419
  • WpVote
    Votes 2,600
  • WpPart
    Parts 57
Sa hindi inaasahang pagkakataon, kinailangang lumayo ni Hiraya sa kanilang lugar upang maging ligtas mula sa kaguluhang nangyayari doon. Inihabilin siya ng ama kay Rajah Lapulapu at sa nasasakupan nito sa Maktan, Sugbu. Hindi niya inasahang sa kanyang pananatili roon ay hindi lamang panibagong kaibigan, pamilya, at pag-ibig ang kanyang matatagpuan...ngunit maging ang nakatagong katotohanan sa likod ng kanyang pangalan. Kilalanin ang pinakamagandang dilag sa Kaharian ng Maharlika. Alamin ang natatanging hiwagang taglay niya na biyaya sa iba, ngunit itinuturing niyang sumpa. --- [ Highest Rank- #30 in Historical Fiction (Hulyo 22, 2018)] [Highest rank- by tags: #1 in Maharlika #1 in History #2 in PhilippineHistory #11 in Historicalfiction] • Sinimulan: Ika-26 ng Marso 2018 • Natapos: Ika-22 ng Mayo 2020 • Mga lenggwahe: Filipino, Cebuano. - Cover photo credits to Monika Luniak on Pinterest
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,333,607
  • WpVote
    Votes 88,833
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,105,563
  • WpVote
    Votes 187,805
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
Lost in 19th Century (COMPLETED) by yourlin
yourlin
  • WpView
    Reads 28,334
  • WpVote
    Votes 942
  • WpPart
    Parts 52
Si Monica na isang guro at may puso sa pagtuturo sa mga bata ang siyang makatutuklas sa madilim na lihim ng kanilang paaralan. Ngunit ang susunod niyang matatagpuan ay magdadala sa kanya sa isang kakaibang mundo na hindi kayang pasukin ng karaniwang tao. (March 30, 2024 to February 8, 2025.)
Her Karmic Fate by RangedDecember
RangedDecember
  • WpView
    Reads 13,091
  • WpVote
    Votes 2,618
  • WpPart
    Parts 40
Ang karma ang siyang humahatol sa atin- lumilitis sa mga tama o maling ginagawa ng tao. Pilit hinahanap ni Celestina ang rason ng kaniyang kabiguan at kaniyang pighati sa mga partikular na bagay- sa pamilya, at sa pangarap. Maging ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya gabi-gabi. Unti-unting mamumulat ang kaniyang mga mata na ang dahilan ng mga iyon ay may malalim ngang rason. May mga taong daraan sa buhay niya sa mabuti at masamang pagkakataon upang imulat siya sa kaniyang malaking katanungan. Mapaglaro ang tadhana, oo, ngunit mas malupit makipaglaro ang karma. Maging sa susunod na buhay ng tao ay hindi siya tinigilan nito at 'yan ang naging balakid ni Celestina na naging rason bakit hindi siya makausad sa hinaharap. Ang isa pa niyang kalaban dito ay ang dalawang lalaking darating sa buhay niya na magpapadama nang labis-labis na sakit... sa hindi sinasadyang panahon at pagkakataon. [Best Book 2020- Historical Genre] Date Started: March 23, 2020 Date Finished: May 06, 2020
El Destino desde 1870 by Im_Vena
Im_Vena
  • WpView
    Reads 54,867
  • WpVote
    Votes 2,769
  • WpPart
    Parts 86
What if the story you're reading is your past life whispering back to you? A forgotten rebellion. A love long buried. And two souls bound by destiny since 1870. *** Before the Katipunan, there was another fire. One lost in silence. One waiting to be told. Ten, a quiet mystery writer, releases a novel about an unknown rebellion from 1870-decades before the Katipunan ever rose. Laveinna reads it, expecting fiction. Pero habang binabasa niya, parang may bumubulong. Parang totoo. Parang... alaala. Hindi niya alam kung bakit pamilyar ang mga tauhan. Bakit masakit ang mga eksena. At bakit parang kilala niya si Ten-kahit ngayon lang sila nagkita. As fiction starts to echo memory, and memory begins to ache like truth, she realizes some promises are carved deeper than time. And the past? It's not done with them yet. Language: Filipino God Bless Us! Book cover made by ArtKit
Segunda by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,414,680
  • WpVote
    Votes 41,497
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025