The Bloodlines of Aristocracy Series
2 stories
The Art of The Vengeance of a Superior Woman by Pe4chyBaozi
Pe4chyBaozi
  • WpView
    Reads 4,453
  • WpVote
    Votes 246
  • WpPart
    Parts 92
The Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang mga magulang ay tila nakagapos sa kanyang mga balikat, at ang multo ng mga tanong tungkol sa kamatayan ng kanyang ina ay patuloy na naghabol sa kanya sa bawat gabi, nag-iiwan ng mapait na lasa sa kanyang mga panaginip. Sa gitna ng kadiliman, dumating si Cielo, isang liwanag na nag-aalok ng pag-asa. Ngunit ang kanyang presensya ay nagdudulot ng higit pang tanong: siya ba ang susi sa katotohanan o ang susi sa isang bagong kahon ng mga kasinungalingan? At habang sinusubukan ni Elishiana na tuklasin ang katotohanan, isang anino mula sa nakaraan ang muling sumulpot, nag-aalok kay Elishiana ng isang daang hindi niya alam kung hahantong sa kalinawan o sa isang walang hanggang kabaliwan. Ang sirang orasan sa kanilang sala ay tila sumisimbolo sa nawalang panahon at ang pagnanais ni Elishiana na ayusin ang nakaraan, ngunit kaya niya bang baguhin ang sira ng nakaraan? O mananatili na lang na nakatali ang mga kasalanan at kasinungalingan sa kaniya? Started: March 4, 2021 Finished: August 31, 2024
The Price Of Stardom II On Going by Pe4chyBaozi
Pe4chyBaozi
  • WpView
    Reads 112
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 1
The Bloodlines of Aristocracy Series #2 Sa mundong tila lahat ay may halaga sa pera, kahit na ang mga bagay na dati'y sagrado at hindi mabibili, nagiging komodidad na lamang. Alahas, cellphone, bahay, lupa, kotse - lahat ay maaaring makuha sa tamang halaga. Ngunit ano nga ba ang tunay na halaga ng isang tao sa isang mundong ganito? At sa isang iglap, maaaring mabili ang dangal at inosente ng isang tao. Isang maling paratang, isang sinungaling na testimonya, at ang buhay ng isang indibidwal ay maaaring mag-iba nang tuluyan. Sa isang mundo kung saan ang kapangyarihan ng pera ay walang hangganan, ang katotohanan ay maaaring malinlang at ang hustisya ay maaaring mabili. Si Jayden Calvin, isang batang aktor na puno ng pangarap, ay natagpuan ang kanyang sarili sa gitna ng isang malupit na laro. Isang testimonyang sumira sa kanyang reputasyon at nagbanta sa kanyang kinabukasan. Kaya sa likod ng mga ngiti at mga kamay na nakikipag kamay, mayroong mga madilim na puwersang naglalaro, handang gumawa ng anumang bagay upang makuha ang kanilang ninanais. Ang mas masaklap pa sa mapaglarong larong 'to, kalaban pa niya ang taong nagkukubli sa likod ng mga maskara ng mga taong kanyang pinagkakatiwalaan. Ngayon, Anong gagawin niya? ang bawat hakbang ba na kanyang gagawin ay magbubukas ng mga bagong pintuan patungo sa katotohanan? O, patungo na naman sa isang mundo kung saan ang moralidad ay walang halaga at ang pera ang nagdidikta ng lahat? Started: September 1, 2024 Finished: