DhenizKrossLib
- Reads 1,068
- Votes 40
- Parts 5
Maayos ang buhay ni Louise hanggang sa isang araw ay yayain siya ng kaibigang si Ysa na manood ng concert ng bandang kinahihiligan nito. Tumanggi siya noong una pero dahil wala naman daw siyang babayaran ay napahinuhod na rin siya. There she met Duke, ang gitarista ng bandang SFX. Sa tapat nito siya nakaupo kaya nagawa niyang panoorin kung paano ito magperform. Nag-enjoy si Louise nang gabing iyon pero agad din niyang nakalimutan ang encounter niya sa lalake dahil wala siyang hilig sa rock music. The time came nang muli silang nagkita ni Duke at ang pagkikita na iyon ay naging daan para maging magkaibigan silang dalawa. Their romance blossomed pero hindi rin naging maganda ang paghihiwalay nilang dalawa.
Makaraan ang ilang taon ay muli silang nagkita dahil fan ng banda ni Duke si Edana na kanyang anak. Napaka-ironic ng sitwasyon dahil hindi niya mapigilan si Duke na makipaglapit sa anak niya, hindi daw kasi araw-araw na may isang apat na taong gulang na bata ang magkakainteres sa musika ng mga ito. Pero mas matindi ang rason niya kung bakit ayaw na niyang magkaroon ng kahit anong koneksyon sa lalake lalu na ang anak niya na hindi nito alam ay anak rin nito.
Will Duke decide to Fight for his right as Edana's father o hahayaan na naman niyang mawala si Louise sa buhay nito sa pangalawang pagkakataon?