Pocketbooks
7 stories
Isla Recuerdo - Andrea Coronel by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 6,002
  • WpVote
    Votes 134
  • WpPart
    Parts 12
Napukaw ang kuryusidad ni Kristine nang malaman niyang ang hinahangaan niyang pintor na si Vincent Cabral ay isang reclusive introvert. Kinailangan pa niyang kulitin ang kaibigan niyang may-ari ng isang art gallery para malaman kung saan ito nakatira. Nagdesisyon siyang puntahan ito sa Isla Recuerdo. Besides, she needed the adventure. Isa siyang manunulat at pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng ikukuwento. Kailangan niyang makakita ng bagong kapaligiran. Wala rin namang mawawala sa kanya. Wala siyang pamilya na mag-aalala sa kanya. Rejection ang nasa mga mata ni Vincent nang makaharap na niya ito. Na para bang napakabigat ng kinikimkim nitong galit sa dibdib. Pilit siya nitong itinataboy paalis ng isla nito. Ngunit determinado rin siyang tibagin ang pader na iniharang nito sa sarili, tunawin ang yelong nakabalot sa puso nito, pahupain ang galit na lagi na'y nakabadya sa mga mata nito. Because she had fallen in love with the island, and she had fallen in love with him... Alam niya, she belonged there...
Man Of My Dreams (Heartthrob) - Cora Clemente by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 11,030
  • WpVote
    Votes 142
  • WpPart
    Parts 12
Kontento na si Vikki na titigan, kausapin at halikan ang mga posters ni Alejandre Ruiz ang current heartthrob; ang pantasya ng mga kolehiyala. Sino ba naman siya para pansinin at mahalin nito na pinaliligiran ng naggagandahang babae? But never in her wildest dreams na magıgısing sıya sa mapang-angking halik ni Alejandre; na yakap nito ang hubad niyang katawan. Matapos ang pangyayarıng lyon, nakasilip siyang kahit na maliit na pag-asa sa puso ng binata. But to her dismay, parang hindi nito naalala ang nangyari sa kamila. And worse, nagalit pa ito sa kanya nang pagbintangan siya nitong sinisiraan ang girlfrend na si Joyce nakung ganda at yatan ang pag-uusapan ay wala siyang kalaban-laban. Aniya sa sarili, ituturing na lamang niyang isang magandang: alaala ang gabing natanasan niyang angkinin ni Alejandre. Pero dahil sa isang pangyayari, hiningi ng sitwasyon na magpanggap siyang fiancée nito...
Tell Me You Love Me - Noelle Arroyo by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 7,321
  • WpVote
    Votes 135
  • WpPart
    Parts 9
Nakilala ni Yzee ang napakaguwapo at napakakisig na may-ari ng isla kung saan nakatira ang tiyo at tiya niya. Sa kabila ng mga katangiang iyon ni Andro ay may kapintasan ito. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang humanga si Yzee sa lalaki. Kaya nang kailanganin ni Andro ang kanyang tulong ay pinagbigyan niya ito. Nagpakasal siya rito nang kailanganin nito ang isang asawa para sa isang importanteng business transaction sa mga banyaga. Pero sa sandaling pagpapanggap ay nahulog siya rito. At tila ganoon din ito sa kanya. Kung kailan masayang-masaya na siya sa nadiskubreng pag-ibig, saka niya naunawaang isa lang siyang maliit na pain sa isang sistema ng mga mayayamang negosyante at laro ng isang makapangyarihang pamilya. Hindi naging tapat si Andro sa kanya sa lahat ng bagay. At kahit mahal pa rin niya ito, kahit nauunawaan niya ang sitwasyon nito, kinailangan pa rin niyang lumayo para masiguro niya ang katatagan ng kanilang mga puso...
Prelude To Love - Cassandra by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 3,525
  • WpVote
    Votes 82
  • WpPart
    Parts 10
Nakikilala na si Santina bilang isang pianist sa France nang maaksidente siya at magkaroon ng problema sa kanyang mga daliri. Dala ng takot na baka hindi na siya makabalik sa pagtugtog ng piano, pinili niyang takasan ang problema. Umuwi siya sa Pilipinas. Sa pag-uwi niya ay sa dating piano teacher niya siya tumakbo kay Theo na matalik na kaibigan ng kuya niya. Parang magkapatid na rin ang turingan nila ni Theo mula pa noon kaya kahit matagal na panahon siyang nawala ay walang nagbago sa turingan nilang dalawa. Hanggang sa may nagtanong sa kanya, "Have you ever thought of dating Theo?" Isang tanong iyon na nagpabago sa pagtingin niya sa lalaking ang turing sa kanya ay nakababatang kapatid...
I Love You, Stranger - Camilla by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 9,189
  • WpVote
    Votes 189
  • WpPart
    Parts 10
It felt right now here beside him; this was where she belonged, this was where she wanted to stay forever. Masakit kay Lilac ang pagkamatay ng kanyang ina. Hindi niya matanggap iyon at ang pag-inom ng alak ang napagbuntunan niya. Dulot niyon ay naipagkaloob niya ang sarili sa isang estrangherong si Cristoff at nagbunga iyon. Ngayon ay kailangan niyang humingi ng tulong dito na panagutan iyon kahit kunwari lamang. Ayaw kasi niyang malagay sa alanganin ang kandidatura ng kanyang ama sa nalalapit na eleksiyon. Napapayag niya si Cristoff sa gusto niyang mangyari. Pinakasalan siya nito at wala siyang masabi sa pag-aalaga nito sa kanya. Kung sasabihin lang nitong mahal siya nito ay magtatapat na rin siya ng kanyang damdamin. Wala na siyang mahihiling pa kung mahal nga siya nito. Ngunit hindi niya inaasahan ang pagsulpot ng isang malaking hadlang para malubos ang kaligayahan niya.
Sapat Na Ang Makasama Ka - Jennette Herrera by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 12,338
  • WpVote
    Votes 119
  • WpPart
    Parts 12
"Napakababa na ng tingin ko sa 'yo, Zisette. Nagkamali ako ng babang inibig." Noon lamang niya nakitang nagalit si Dieses. Hindi siya nakaimik. "Paano mo nagawang pumunta sa bahay at pagbantaan sina Mama na ipakukulong ako kapag hindi nila ibinigay ang hinihingi mong pera?" "Hindi totoo" yan!" "And you want me to believe you?" Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang braso. "Umamin ka sa akin at papayag akong magpakasal sa iyo." Naguluhan siya. Maaatim ba niyang akuin ang maling akusa nito? Pero sa isang banda, mareresolba ang problemang kinakaharap niya kapag umamin siya. Atiyon ang priority niya.
Nakatakda..Ikaw At Ako - Liberty Cañete by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 11,276
  • WpVote
    Votes 248
  • WpPart
    Parts 11
It was one lazy afternoon nang maisipan ni Jenne mamasyal. Sa hindi maipaliwanag ná dahilan, dinala siya ag kanyang mga paa sa restaurant ng isang five-star hotel sa pusod ng Makati. Laking gulat niya nang salubungin siya ng waiter at sabihing naghihintay na sa kanya ang isang reserbadong mesa. At tuluyan na siyang hindi nakatanggi nang masilayan ang lalaking "kakatagpuin" niya roon. Obvious na napagkamalan siya. Na may ka-blind date ito na nagkataong nag-match sa kanya ang features. Kung tutuusin ay madaling magpaalam sa lalaki, sabihing it was a case of mistaken identity. Pero hindi niya magawa. She was mesmerized by the man. With dark, piercing eyes at mga ngiting tumutunaw sa kanyang defenses, mukhang na-love at first sight siya sa estranghero. Ang hindi niya alam, she was treading on dangerous waters...