Lito
19 stories
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3  by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 11,494
  • WpVote
    Votes 978
  • WpPart
    Parts 36
Isang Annual Harvest Month na naman ang nilahukan ni Wong Ming na siyang dinaluhan ng napakaraming outer disciple. Ano namang kakaibang karanasan ang maaaring maganap sa loob ng Old Amity Farm na siyang pagmamay-ari ng Flaming Sun Guild? Isa ba itong maituturing na biyaya o isang nagbabadyang panganib na naman ang kakaharapin ng lahat ng kalahok maging ng walang kaalam-alam na si Wong Ming? Start: July 20, 2023 End:
LEGEND OF VOID SUMMONER: New World [ARC 1] Published on Amazon by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 31,977
  • WpVote
    Votes 206
  • WpPart
    Parts 2
Matapos ang matagumpay na digmaang naisagawa ng grupo ni Bowen maging ng mga mabubuting mga nilalang laban sa mga masasamang panig ay kasabay rin nito ang pagkawala ng kanyang buhay. Kasabay ng pagkawala ng mga Guardian Beasts niya ay ang kanya ring inaasahang kamatayan. Ngunit mayroong pangyayaring hindi inaasahan na hindi alinsunod sa batas ng buhay at kamatayan. Ang dugong nananalaytay kay Bowen ay hindi nanggaling sa butihing mga magulang niya. Ang kanyang sariling pinagmulan ay isa pa ring malaking misteryo. Kasabay ng pagkawala niya sa kawalan ay siya ring pag-usbong ng kakaibang lakas na nakatago lamang sa loob ng katawan niya. Kahit tanggap na nito ang nasabing kamatayan ay kamatayan rin mismo ang magbibigay-daan upang bumalik ang kanyang buhay. Ang muling pagkabuhay niya ay tanda lamang ng panibagong paglalakbay. Muli niyang nasilayan ang ganda ng mundo ngunit sa ibang dimensyon na. Matatanggap niya kaya ang pangalawang buhay na ito kung ang kahulugan lamang ay wala na ang pamilyang naging parte ng buhay niya? Sa muling paglalakbay ng ating bida sa kakaibang dimensyon ng mga summoner, ano kaya ang magiging bagong suliranin kanyang kahaharapin? Magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito o mabibigo lamang siya katulad sa naunang mundong kanyang nilalakbayan noon? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ang iba pang kapangyarihang kanyang tinataglay.
LEGEND OF VOID SUMMONER: Azure Dragon Academy [ARC 2] To Be Publish on Amazon by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 12,842
  • WpVote
    Votes 223
  • WpPart
    Parts 4
Sa bagong mundong nilalakbayan ni Bowen, marami siyang nakilalang mga taong may mabubusilak na puso. Mula sa aksidenteng pagkakapadpad niya sa nayon ng Hercas ay panibagong lugar naman ang kaniyang pupuntahan. Sa pag-asang lumakas at umunlad pa lalo bilang Summoner ay napili niyang magbakasali na makapasok sa prestihiyosong paaralan na nasa teritoryo ng Dragon City; ang Azure Dragon Academy. Pagkamangha sa nasabing estruktura ng akademyang ito ang unang naramdaman ni Bowen nang masilayan ito. Kilala ang paaralang ito hindi lamang sa ganda kundi sa kalidad ng maabilidad at talentadong mga estudyanteng gustong maging malalakas na Summoner sa hinaharap. Makakaya kayang makipagsabayan ni Bowen sa naglalakasang batang henerasyon sa kasalukuyan o mauuwi lamang siya sa pagkabigo? Ano kaya ang naghihintay na kapalaran sa kaniya sa loob ng prestihiyosong institusyon?
Just A Healer by Reon-kun
Reon-kun
  • WpView
    Reads 193,206
  • WpVote
    Votes 14,593
  • WpPart
    Parts 159
Lucas Galileo Mizutani, also known as the mage healer LGM Purifier, was given a quest to protect an Amulet inside the online game Leimhyark Online. Having access to an alternative account through that Amulet, he discovered a dangerous secret hiding within the game. Unbeknownst to him, that 'secret ' can cause the death of millions of people in the real world, once it falls into the wrong hands. Join Lucas and the Dominion of Orion Guild in their quest to protect the amulet, uncover the secrets of Leimhyark, and prevent him from getting captured in-game and in the real world. | Book 1 of the Celestial Route Sphere Series | Date Started Writing: March 2020 Date Posted: September 27, 2020 Date Finished: ******* Highest Rank Achieved: #1 in Sci-Fi [April 25, 2024] Cover Illustration commissioned from Eijie Diez. © Copyright of Reon-kun All Rights Reserved 2020
GODLY GENE [VOLUME 1] Filipino Version | Published on AMAZON by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 6,035
  • WpVote
    Votes 169
  • WpPart
    Parts 4
Si Sylvan Darvell ay isang binata na bigla na lamang napadpad ang sarili niya sa kakaibang mundo matapos ang isang hindi inaasahang aksidente na siyang nagdulot sa kaniya upang maglakbay ang consciousness niya sa isang pambihirang mundo. Hindi niya aakalaing ang isang dakilang mambabasa na katulad niya sa paborito niyang piksyun ay totoo palang nag-eexist at nararanasan niya ngayon. Mahilig pa naman siyang tumuklas ng mga kakaibang bagay at pinapangarap niya na maglakbay sa hinaharap. Paano nalang kung ang mga bagay-bagay na malalaman niya ay higit na mas nakakamangha pero nakakapangilabot din at the same time. He is only a 16 years old yet he died in a stupid way. Nadismaya siya noong nalaman niyang ang binabasa niyang paboritong mga libro ay nag-end up badly lalo na kung hindi namatay ang mga bida ng mga magagandang librong nababasa niya ay puro miserableng mga katapusan ang nababasa niya. Kaya nga nang mapadpad siya sa mundong ng Cultivation at nabigyan ng panibagong buhay upang maglakbay, sumuong sa labanan at tumuklas ng mga pambihirang mga bagay-bagay ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na bibigyan niya ng halaga ang kaniyang sarili maging ang natutunan niyang mga bagay noon sa mga binabasa niya ay babaguhin niya. Magiging bida ba siya ng pangalawang buhay niya sa mundo ng Cultivation o magiging talunan siya kagaya ng paboritong librong nababasa niya noon? Halina't tunghayan natin ang panibagong Yugto ng buhay ng binatang si Sylvan Darvell bilang ang bagong nagmamay-ari ng katawan at katauhan ni "Sylvan Darvell", isang 17 years old na binata sa pambihirang mundo ng cultivation. Makakaya niya kayang makipagsabayan sa iba't-ibang uri ng mga kapwa niya martial art cultivators na makakasalamuha niya along with his journey, to change his fate, to be the strongest and not be a total loser in this vast world of Cultivation. Note: Grab your own physical book copies on AMAZON. https://www.amazon.com/s?k=godly+gene
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 11] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 9,902
  • WpVote
    Votes 854
  • WpPart
    Parts 29
Mula sa himpapawid ay unti-unting makikita ang maraming grupo ng mga nilalang na pumunta sa lugar ng Red City. Iba't-ibang mga kulay ang nakikita ni Wong Ming na suot-suot ng mga nilalang na ito maging ng mga simbolong nakatatak sa mga kasuotan ng mga bagong dating na mga nilalang. Buti na lamang at malawak ang parte ng lugar na ito na kasalukuyang ginaganap ang mga kompetisyon kung hindi ay baka nagsiksikan na sila sa dami ba naman ng mga lumahok maging ng mga gusto lamang manood ng labanan. Maraming usap-usapan ang nangyari ngunit mabilis ring nagbago ang lahat nang dumating ang mga pangunahing nangangasiwa ng kompetisyon na isinasagawa ng Flaming Sun Guild. Pansamantalang natigil ang mga kompetisyong nagaganap hanggang sa inanunsyo na lamang ng MC sa malakas at klarong boses na matutuloy ang nasabing kompetisyon ng Flaming Sun Guild sa susunod na dalawang linggo. Marami ang nadismaya at marami din ang natuwa ngunit para kay Wong Ming ay alam niyang tila mababago at mas hihirap ang kompetisyong ito. Isa sa pinakamalaki at pinakatanyag na guild sa tatlong mga naglalakihang siyudad ang Flaming Sun Guild. Misteryoso at tila kinatatakutan rin ang nasabing guild sapagkat ang pwersa nito ay hindi masukat at wala ring eksaktong lokasyon ang nasabing guild. Alam niyang hindi basta-basta ang Flaming Sun Guild. Bilang lamang ang nakakapasok rito at alam niyang hindi naman dadagsa ang marami pang mga kalahok galing sa iba't-ibang parte ng tatlong siyudad kung hindi tunay ang kredibilidad nang nasabing guild. Naiisip ni Wong Ming na ang ganitong pagbabago sa kompetisyong ito ay mas kailangan niyang paghandaan ang nalalapit na pagsasalang sa kanila. Alam rin niyang kung mayroon mang pagbabago ay pabor iyon sa kaniya o sa lahat sapagkat oportunidad ito para sa lahat, mapabata man o matanda habang ipinapakita bula ang kanilang kahusayan sa paglalaban o labanan. Start: June 9, 2023 End:
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 15,590
  • WpVote
    Votes 1,631
  • WpPart
    Parts 40
Sa paglalakbay ni Wong Ming patungo sa Dou City ay namalagi siya rito upang tuklasin ang mga bagay patungkol sa nangyari sa siyudad na pinagmulan niya kung saan naroroon ang Green Valley na minsan na ring nag-exist. Mahahanap niya kaya ang kasagutan sa apat na taong nakalipas? Paano kaya kung hindi inaasahang pangyayari na naman ang magaganap sa paglalakbay niyang ito? Magagawa niya kayang lagpasan ang mga panganib na maaari niyang makaharap kahit na mismong sariling buhay niya ang nakataya?
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 14,022
  • WpVote
    Votes 1,585
  • WpPart
    Parts 34
Sa mundong ginagalawan ni Wong Ming sa kasalukuyan, ano ang maaari niyang gawin upang maisalba at maisaayos ang mga bagay na maaaring ikapahamak ng sarili niya, ng Wong Family at ng buong Golden Crane City sa hinaharap. Paano na lamang kung ang pagtulong niya sa ama niya sa loob ng Ashfall Forest ay maghahatid sa kaniya ng matinding panganib na ngayon niya lamang mararanasan. Makakaya niya kayang lampasan at maunawaan ang kakaiba ngunit nakakapangilabot na mga pangyayaring babago at huhubog sa sarili niyang pag-unawa?
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 8] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 18,515
  • WpVote
    Votes 1,935
  • WpPart
    Parts 42
Bagong katauhan, bagong lugar na gagalawan ni Li Xiaolong o mas mabuting sabihing si Wong Ming. Sa apat na taong pagkupkop sa kaniya ng tumatayong ama niyang si Wong Bengwin, ano ang maaaring maging dulot ng aksidenteng pagkapadpad nito sa Golden Crane City? Maibabalik pa ang dating katauhan nito o tuluyan na niyang malilimot ang masalimuot niyang nakaraan?!