ChanZee218
"Ang aga namang beer yan?"
Nilingon ko ito. "Wow naman let me guess Kuya Demi may huma-haunting na naman sayo na Babae kaya andito ka sa Unit ko. Tama ba ako?"
"As usual. Iniiba mo ang usapan. Why are you drinking?"
I scoffed. "Binasted uli ako ni Divina. Pang-anim ko na 'to Kuya eh dapat sanay na ako kaso masakit pa din eh basag na basag na ako sa iisang Babae.
"Ang daming Babae sa Pilipinas my Dearest cousin yung tipong magaganda at sariwa pa ang hindi ko maintindihan sayo eh bakit pinagsisiksikan mo ang sarili sa Babaeng diborsyada at masmatanda siya ng tihamak sayo diba and as I remembered hindi ganun ang tipo mo sa isang Babae diba. C'mon Eros wag mo siyang iyakan wala sa lahi natin ang umiiyak sa Babae." Pagmamalaki pa nito.
"Ikaw lang siguro yun. Si Kuya Tiago iniyakan niya si Ate Carmen diba ganun din si Kuya Damian kay Ate Angela at si Kuya Seth kay Ate Olga si Luna naman umiyak din naman yun kay Diemoon eh Ikaw lang ang hindi, antayin mo na lang na makabanggaan mo yung Babaeng magpapaluhod ng mga tuhod mo."
Umiling ito at tumawa sabay upo sa tabi ko. "Ano Tara sa Demons Club maraming chicks dun ngayon."
"Ayoko. Maaga pa ako bukas kahit binasted niya ako hanggat hindi ko siya nakikitang ikinasal uli hindi ako titigil." Sagot ko bago ko ubusin ang laman ng lata ng beer.
Tumawa lang ng tumawa si Kuya Demi. "Okay. Makikitulog muna ako sa kwarto mo ha."
"Okay. Lage naman eh."
-----------
Ito ay Orihinal kong likha ang pagkakapareha ng mga Pangalan, Lugar at Pangyayari ay hindi ko po sinasadya.
Photo are not mine.
I got it from Unsplash 😁