inkedlily_
Noong kolehiyo, isa lang siyang anino.
Tahimik na babaeng laging nasa likod-nagmamasid, sumusunod, nagmamahal sa paraang hindi dapat. Para sa kanya, siya ang mundo niya.
Ngunit para kanya naman, isa lang siyang baliw na babaeng kailangang iwasan.
Tinawag siyang obsessed.
Stalker, paulit-ulit binaliwala, at kinamuhian.
Lumipas ang mga taon, at akala niya tapos na ang lahat.
Hanggang sa naging boss niya ang taong minsan niyang minahal at kinabaliwan noon.
Malamig pa rin ang mga mata nito. Pareho pa rin ang galit, pandidiri at pagkamuhi nito sa kanya.
Dahil para sa kanya , siya pa rin ang babaeng sumira sa katahimikan ng buhay niya noon.
Ngunit para sa kanya, isa na lang itong lihim na kailangang itago-ang pagmamahal na hindi kailanman magkakatotoo.
Ngunit nagbago ang lahat nang tamaan ng isang hindi malamang sakit ito.
Sakit na muntik na ng kunin ang lahat-alaala, galit, at ang pagkakakilala nito sa babaeng kinamuhian niya.
Pagmulat niya...
Hindi na galit ang una niyang naramdaman.
Pagmulat niya...
Mahal niya na siya.
Isang pagmamahal na pinakaaasam-asam niya.
Isang damdaming minsan niyang hiniling.
At isang tanong na pumasok sa kanyang isipan.
Paano kung mahal lang siya nito dahil may nawala?
At paano kung bumalik ang lahat ng alaala?
Sa pagitan ng guilt at kaligayahan, obsession at pag-ibig, kailangang niyang pumili kung lalaban ba siya sa pagmamahal na minsang ipinagkait...
o tatanggapin ang pag-ibig na maaaring pansamantala lang.