JMFIRME's Reading List
2 stories
"Anak ng Hustisya: Hindi Lang Hustisya ang Nahanap Ko, Pati Siya"  by allyzeart
allyzeart
  • WpView
    Reads 375
  • WpVote
    Votes 100
  • WpPart
    Parts 19
Limang taon matapos ang trahedyang bumago sa kanyang buhay, si Ally dating masayahing dalagita ay ngayo'y isang seryosong first-year college student sa kursong Bachelor of Laws. Buo ang loob niyang maging isang prosecutor, hindi lang para ipaglaban ang karapatan ng iba, kundi upang muling buksan ang kaso ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Habang tinatahak niya ang landas patungo sa hustisya, makikilala niya si Maya-isang masayahing kaklase na magiging kaibigan niya sa gitna ng lungkot at pagbangon. At isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon, isang misteryosong binatang nagngangalang Tim ang biglang papasok sa buhay niya... matapos siyang saluhin mula sa pagkatumba-at sigalot. Simula ito ng bangayan, asaran, at unti-unting pagtibay ng ugnayan sa pagitan ng dalawang pusong may sariling mga sugat at layunin. Makakamit kaya ni Ally ang hustisyang matagal na niyang hinahangad? At sa gitna ng paghahanap ng katotohanan, posibleng matuklasan din niya ang pagmamahal?
When My Best Friend Became My Puppy Love by allyzeart
allyzeart
  • WpView
    Reads 27
  • WpVote
    Votes 7
  • WpPart
    Parts 2
Nag-start ang lahat sa pangungulit niya... Grade 3 pa lang ako noon, at si Tim Miranda, grade 4, ay laging naghihintay sa akin sa gate ng school. Makulit siya, nakakainis minsan, pero may kakaibang charm na hindi ko maintindihan. Hindi ko siya kinoconsider na best friend noon-hanggang sa unti-unti, napansin ko na hindi na lang siya basta kasama sa school... siya na rin ang dahilan kung bakit ako palaging nakangiti. Palagi siyang nandiyan para sa akin-sa tawanan, sa mga problema, at kahit sa mga pagkakataong binubully ako. Sa bawat araw na lumilipas, hindi ko na alam kung paano, pero nahuhulog na talaga ako sa kanya. Ang bawat ngiti niya, bawat biro, bawat simpleng moment... tumatagos sa puso ko. At doon ko narealize... hindi na lang siya basta best friend. Siya na rin ang puppy love ko. Ngunit may takot din ako... Paano kung sabihin ko ang nararamdaman ko at masira ang matagal naming pagkakaibigan? Paano kung hindi niya rin nararamdaman ang pareho, at mawala ang lahat ng tawanan, biro, at moments namin sa school? Ito ang kwento ng aming pagkakaibigan, ng unang damdamin na hindi ko pa noon naiintindihan, at kung paano nagsimula ang isang puppy love na sana'y magtagal habang buhay.