Ayef_Luminous
- Reads 34,364
- Votes 724
- Parts 59
Solana Blaire Ocampo-isang kinatatakutang assassin at tagapagmana ng pinakamalakas na organisasyon-namatay sa kamay ng sarili niyang ama. Ngunit sa halip na tuluyang mawala, siya ay muling isinilang... bilang isang mahina at hangal na Reyna.
Si Queen Sabrina Luna Calypso, ang tinatawag na "tangang Reyna" ng Esperanza, ay walang sinumang tunay na nagmahal-pati ang sariling pamilya ay ikinahiya siya. Pinakasal siya sa isang hari na hindi man lang siya matanaw ng may paggalang. Sa kabila nito, minahal pa rin niya ito, kahit pa ang tingin sa kanya'y mababa at walang silbi.
Ngunit magbabago ba ang lahat kapag si Solana na ang nasa katawan ni Sabrina?
Magagawa ba niyang baguhin ang tingin ng tao sa Reyna? Malalabanan ba niya ang batas na pumipinsala sa karapatan ng kababaihan? Patuloy pa rin ba siyang magpapakatanga para sa pag-ibig ng isang haring hindi siya kayang mahalin? O matututo siyang tumindig at hanapin ang tunay na pagmamahal?
Anong mangyayari sa isang mahina at takot na Reyna, kung ang kaluluwa ng pinakamalakas na assassin ang magising sa kanyang loob?
"She died a feared assassin. She returned as a powerless queen... and she's about to rewrite history."
Genre: Fantasy | Love | Action
Language: Filipino