New
51 stories
Ang Simbolo Ng Pag-ibig Niya Sa Akin - Haze Prado by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 4,936
  • WpVote
    Votes 68
  • WpPart
    Parts 11
Na kay Carla na ang lahat-mapagmahal na mga magulang at mariwasang pamumuhay-maliban kay Philip, ang lalaking matagal nang itinatanggi ng kanyang puso. Kapatid lang kasi ang tingin nito sa kanya. Naging komplikado ang lahat nang ligawan nito ang half sister niyang si Bea. Kinamuhian niya si Bea dahil pakiramdam niya ay inagaw nito ang pagtingin ng lalaking mahal niya. Ngunit nalaman niyang ampon lang pala siya ng mga kinikilala niyang mga magulang. Nagpasya siyang lumayo. Ilang taon siyang namuhay nang mag-isa hanggang sa magkita uli sila ni Philip. Wala siyang balak ibalik ang dating samahan nila pero ayaw siyang tantanan nito. Tuloy ay nabuhay uli ang dating pagtingin niya rito na alam niyang hindi naman talaga nawala. Nang may mangyari sa kanila, ang akala niya ay masusuklian na rin sa wakas ang damdamin niya para dito. Ngunit nagkamali siya.
Iniingatang Pag Ibig - Claudia Santiago by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 3,734
  • WpVote
    Votes 78
  • WpPart
    Parts 12
"I have always been in love with you. Kahit pa isiksik ko sa utak ko na dapat akong magalit sa 'yo para makalimutan kita, isinisigaw pa rin ng puso ko na mahal na mahal kita." Naging kaibigan ni Yana si Nick kahit pa sabihing anak lamang ito ng katulong nila. Ngunit mula nang dumating ang half sister niyang si Casey ay nagbago ang pakikitungo niya sa lahat ng tao. Nagseselos si Yana kay Casey dahil ito na ang mas pinagtutuunan ni Nick ng pansin kaysa sa kanya. At upang maipakita na nagagalit siya sa binata ay nakapagbitiw si Yana rito ng masasakit na salita. Umalis si Nick na masama ang loob. Sa mga panahong nami-miss ni Yana ang binata ay sinisikil niya ang kanyang damdamin na kumustahin ito. Makalipas ang maraming taon ay natanggap na rin ni Yana si Casey bilang kanyang kapatid. At sa pagbabalik ni Nick, asensado na ito, ngunit hindi pa rin pala nito nalilimutan ang hinanakit sa mga nasabi niya noon. Ipinasya ni Yana na kalimutan na lamang ang nararamdamang pagmamahal kay Nick. Ngunit makakaya ba niyang gawin iyon?
GEMS: Aurora - Vanessa by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 6,437
  • WpVote
    Votes 184
  • WpPart
    Parts 18
Dalawang magkaibang mundo ang kinabibilangan nina Aurora at Isidro. Unang pagkakakilala pa lamang ni Aurora sa lalaki ay labis na siyang nagalit sa kapangahasan nito. Subalit madaling nabura ang galit na iyon, napalitan ng damdaming noon lang niya nadama. Napakalaking pagbabago ang idinulot nito sa kanya, lalo at tinulungan siya nitong makaahon sa buhay na kinasadlakan niya. At sa paglipas ng panahon, nahulog na nang tuluyan ang kanyang puso rito. Buo ang kanyang pag-asa na darating ang panahong magkakaroon ng magandang kahihinatnan ang kanilang nasimulan. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagmamahal na ibinigay niya rito, kabiguan pa rin ang natamo niya. Paano pa niya bubuuin ang kanyang sarili gayong batid niyang kailanman ay hindi na niya mababawi rito ang kanyang puso?
At Kung Ibigin Ka'y Kasalanan - Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 1,745
  • WpVote
    Votes 86
  • WpPart
    Parts 11
Anim na taon na ang nakararaan, si Veronica-na noo'y la-binlimang taon lamang -ay nagkaroon ng traumatikong karanasan nang mapasukang halos-hubad ng isang taong bagamat walang tunay na kaugnayan sa kanya ay itinuring naman niyang pangalawang ama. Pinangalanan siya nitong bold star. Hiniya. Hinubdan ng dangal. Ngayong siya'y beinte uno at ganap nang dalaga, ano't ipinatatawag siya ng lalaking ito? At kung sakaling maulit ang insidenteng paris noon, gaya pa rin kaya ng dati ang maging reaksiyon ni Daniel-ng kanyang "Ninong" Daniel? DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
Para Sa Akin - Julianna Ran by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 5,956
  • WpVote
    Votes 106
  • WpPart
    Parts 10
Sabrina loved Tres since they were kids. But she was just a sister to him. Nanatili silang magkaibigan hanggang sa paglaki nila. Saksi siya sa hindi na mabilang na babaeng nagdaan sa buhay nito. Kahit pa mahal niya si Tres ay tanggap niya ang bagay na iyon dahil alam niyang wala naman itong sineryoso sa mga iyon. Kampante siya na walang isa man sa mga iyon ang makapagpapaibig kay Tres. Siguradong-sigurado siya sa bagay na iyon. But not until her cousin Arita came to their lives. Sa unang pagkikita pa lang nito at ni Tres alam na niyang nahulog kaagad ang loob ni Tres sa pinsan niya. Biglang nataranta si Sabrina, hindi puwedeng ma-in love sa iba ang lalaking mahal niya. Pero hindi niya matuturuan ang puso ni Tres na mahalin siya. Kaya nanahimik na lang siya habang pinagmamasdan itong nagmamahal ng ibang babae. lyon nga lang walang katugon ang damdamin ni Tres dahil nagmahal ng ibang lalaki ang pinsan niya. Lalo na nang magdesisyon ang pinsan niya na magpakasal na sa taong mahal nito. Sa gabi ng engagement ng pinsan niya ay natagpuan ni Sabrina ang sarili na dinadamayan ang brokenhearted na si Tres. Pero nagising na lang siya na katabi na niya ito sa kama and they were both naked! May nangyari sa kanila at nag-alok si Tres ng kasal. Tatanggapin ba niya ang iniaalok nito sa kabila ng kaalamang may iba itong minamahal? O dapat na lang ba niyang isipin na iyon na ang magiging daan para mabaling na sa kanya ang pagmamahal ni Tres na matagal na niyang inaasam?
Salazar Brothers: Alexander, The Untamed Husband - Vanessa by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 8,644
  • WpVote
    Votes 176
  • WpPart
    Parts 11
Sinusunod ni Barbara ang lahat ng gusto ng mama niya. At sa lahat ng iyon, iisa lang ang sinunod niya nang bukal sa kanyang puso-ang pagpayag niyang makasal kay Alexander. Mahal niya ito at para sa kanya ay ito ang perpektong lalaki. Ngunit marahil, dapat ay naisip din niyang walang perpekto sa mundo. She learned the hard way that Alexander married her for revenge. Naghiwalay sila dahil doon. Pagkaraan ng pitong taon, napilitan silang magpanggap na masaya ang pagsasama nila. Inilagay niya sa isip na isa lamang iyong pabor, na hindi siya dapat maapektuhan ng presensiya nito, lalo at hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon. But Alexander was seducing her, making her fall for him again. Hahayaan na naman ba niya ang sariling mahulog dito?
My Dream Wedding - Elizabeth Mcbride by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 7,247
  • WpVote
    Votes 146
  • WpPart
    Parts 11
Hindi man natuloy ang kasal ni Cecille sa fiancé niya ay nakatanggap naman siya ng bagong proposal. Hindi nga lang marriage proposal kundi pakikipag-"live-in." Suhestiyon iyon ni Artie ang kaibigan at business partner niya sa Internet café na itinayo nila. Timing pa na gusto na rin niyang mag-move out sa bahay nila dahi! sa problema niya sa mga magulang, kaya pumayag siyang sumama rito. "First rule, never fallin lovewithyour housemate! Second rule, never flirt with me." Natatandaan niyang sabi pa nito. Subalit ano pa ang saysay ng mga batas na iyon ngayong magkayakap sıla nito sa bathtub at buong alab siyang hinahalikan nito, na tinutugon naman niya. Dahil aminin man niya o hindi ay iniibig na niya ang binata. Matutupad pa kaya ang dream wedding niya?
Sweetheart 19: She Wears My Ring - Martha Cecilia by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 8,943
  • WpVote
    Votes 125
  • WpPart
    Parts 19
Suot ni Nyssa ang singsing na ibinigay ni Erik dela Torrre sa boung labindalawang taon. It was given to her when she was sixteen- noong ang batang pag- ibig niya ay tinabunan ng insekyuridad at takot. Sinaktan niya ang lalaking nagbigay ng heirloom na iyon sa kanya. Erik had OCD. He was obsessed with her. Natakot si Nyssa at hiniya niya ito sa mismong gabi ng prom sa hindi sinasadyang paraan. Erik left San Ignacio sooner than she thought hurting. Twelve years later, she still kept the heirloom. Isinusuot iyon ni Nyssa para i-discourage ang mga unwanted suitors niya. Until she met Kichiro in Tokyo. He was Daniel Henry look-a-like. Gusto niyang alisin at itago ang singsing para dito. But the subconscious thought of Erik stopped her. Nahahati siya sa pagitan ng kahapon at ngayon. Sino ba talaga ang bukas niya?
Hindi Ako Iiyak - Helen Meriz  by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 3,093
  • WpVote
    Votes 41
  • WpPart
    Parts 16
HATINGGABI na'y di pa rin siya makatulog. Mugto na nga ang mga mata niya sa kaiiyak pero hindi pa rin niya magawang tumigil. Pinagagalitan na nga niya ang sarili: Ganyan ba ang hindi na iiyak? Tantiya niya ay mag-aala-una na nang makarinig siya ng pagtigil sa harap ng isang sasakyan. Ang kasunod niyon ay ang pagpapatao-po ng isang tinig at pagkuwa'y ang mahinang usapan ng di matiyak kung sino. Maya-maya lamang, may kumatok na sa pinto ng silid ni NENITA. Binuksan ng dalaga ang pinto. "Isang tanong, isang sagot," walang kangiti- ngiting sabi ni GERARD na nabuglawan niya sa labas ng pinto. "Sasama ka ba sa akin nang matiwasay o kinakailangan pang buhatin kita?" "G-Gerard! Paanong--" Disclaimer: All rights belong to the rightful owner. No copyright infringement. For reading purposes only ©Helen Meriz
Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart? by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 180,701
  • WpVote
    Votes 3,420
  • WpPart
    Parts 23
Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang kalutasan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was sinfully handsome was an added bonus. Kailangang maakit niya ito sa anumang paraan. Jared couldn't care less about his grandfather's codicil. He had come to value his independence. Marriage meant giving it up. His parents were wealthy. Hindi sila maghihirap kung hindi siya mag-aasawa. But that changed when he saw Serena Manzanares. Though she wasn't his type, he desired her. Kailangang mapapayag niya ito sa marriage of convenience-sa anumang paraan.