seiaxvg
Genre: Romance, Comedy, Slice of Life
characters: Vice (CEO), Ion (Applicant/Employee), Jhong, Vhong, at Anne (Vice's inner circle)
Sa mundo ng korporasyon, si Vice ang reyna-matalino, istrikto, at ang boss ng isa sa pinakasikat na kumpanya sa bansa. Napapaligiran siya ng kanyang mga pinagkakatiwalaang kaibigan na sina Jhong, Vhong, at Anne, na laging handang magbigay ng payo (at asar) sa kanyang buhay-pag-ibig na tila ba nakalimutan na niya dahil sa sobrang pagtutok sa trabaho.
Ngunit magbabago ang takbo ng kanyang "professional life" nang pumasok si Ion-isang simpleng aplikante na naghahanap ng pagkakataon. Sa unang pagkikita, hindi pa sila magkakilala, ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting mapapansin ni Vice ang kakaibang aura ng bago niyang empleyado.
Hindi lang dahil sa taglay nitong kagwapuhan, kundi dahil sa busilak na puso at sobrang kabaitan ni Ion na hindi sanay makita ni Vice sa mundo ng negosyo. Habang mas lalong nagiging malapit ang dalawa, unti-unting mahuhulog ang loob ng "Cold CEO" sa kanyang "Kind-hearted Employee."
Kakayanin ba ni Vice na panatilihin ang pagiging propesyonal, o bibigay siya sa tibok ng kanyang puso para kay Ion? Paano makikialam ang tatlong makulit na kaibigan sa namumuong pagtitinginan ng dalawa?
- 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐀𝐔
📌 Disclaimer:
• Fiction / Kathang-isip lamang.
• Expect typos and grammatical errors.
• Don't take it seriously.
Thank you for giving this story a chance! Enjoy reading. 🤍