tomasdcat's Reading List
196 stories
Hihintayin Kita, Pag-ibig - Bernadette Cerdan by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 16,445
  • WpVote
    Votes 205
  • WpPart
    Parts 13
Fourteen lang si Angelie nang umibig siya kay Daniel. May gatas pa siya sa mga labi. Sabi ng Kuya Sam niya ay mamamatay din ang feelings niya, lalo na at aalis pa si Daniel para mangibang-bansa. Kaya naman determinadong patunayan ni Angeli ang sinseridad ng bata niyang damdamin. Hindi siya nakipag-boyfriend, ni hindi siya nagpaligaw tulad ng pangako niya kay Daniel. Hihintayin niya ang pagbabalik ng binata tulad ng gagawin nitong paghihintay sa pagiging ganap niyang dalaga. Pero nang bumalik si Daniel ay may dala itong balita: ikakasal na ito sa isang Pilipina na nakilala sa Amerika! Ano ngayon ang gagawin ni Angeli? Magpaparaya ba siya o ipaglalaban niya ang pag-ibig na limang taon niyang hinintay?
Roses Are Red, Violets Are Blue - Martha Cecilia by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 13,676
  • WpVote
    Votes 220
  • WpPart
    Parts 12
"When we danced that day, my heart was forever caught by a young girl's smile... and the prettiest face I laid my eyes on..." Natagpuan ni Viola ang sarili na bihag ng pag-ibig na kinakulungan ni Gio at ng kanyang ina. Tiniis niya ang hapdi ng dulot ng katotohanang nakikita siya ni Gio bilang si Violeta. Ngunit kaya ba niyang makipagkompetensiya sa kanyang ina? Paano niya makukumbinsi si Gio na siya si Viola at hindi si Violeta?
Man Of My Dreams - Cora Clemente by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 11,744
  • WpVote
    Votes 191
  • WpPart
    Parts 11
Ang intensiyon ni Kate ay ang ihanap ng hustisya ang pang-aapi at pambubugbog na ginawa sa kanyang Kuya Edwin. At kung hindi niya makukuha iyon, gagawin niya ang lahat ng paraan upang ipaghiganti ito. Ngunit naging sagabal sa mga plano niya si Wayne Guevarra, ang anak ng taong diumano' y nagpabugbog sa kapatid niya. At ano pa nga ba ang nag-iisang paraan ng isang babaeng katulad niya laban sa lalaking katulad nito kundi ang akitin ito upang mamanipula niya ang sitwasyon? Pero ganoon na lamang ang gulat niya nang sabihin nitong hindi ito kaaway kundi isang kakampi. Nagduda siya. Sapat na ba ang mga halik nito upang maniwala siyang hindi niya kalaban ito?
My Wild Rose, Kimberly - Camilla by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 8,433
  • WpVote
    Votes 108
  • WpPart
    Parts 11
Sa simula pa lang ay may bad blood na sa pagitan nina Kim at Weston, kapwa bituin sa music industry. Kaya ganoon na lamang ang pagtataka ni Kim nang bigla na lamang makipaglapit sa kanya ang binata. Pero ano ba ang intension nito sa kanya? Was it a part of the game he was playing? If it was, then he was winning, dahil sa bawat mainit na halik na pinagsasaluhan nila, she was slowly- painfully- falling in love with him...
Love Is The Answer - Cheri by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 11,206
  • WpVote
    Votes 121
  • WpPart
    Parts 11
Dalawa ang dahilan kung bakit nagbalik sa Pilipinas si Michelle: ang alamin kung bakit nagpakamatay ang kanyang kaisa-isang kapatid na si Josh at ang asikasuhin ang negosyo nilang naiwan nito,Kaya wala siyang panahon sa isang katulad ni Glenn, ang guwapo ngunit antipatikong tenant din ng condominium na tinitirhan niya. Unang kita pa làng niya rito ay inis na siya rito. Mapagkamalan ba naman siyang janitress doon! Ngunit hindi niya inakalang ang lalaking kinaiinisan niya ay siya palang bibihag at magpapatibok sa kanyang Ipuso. At sa kauna-unahang pagkakataon simula nang mamatay si Josh ay nakaramdam siya ng walang-labis na kaligayahan. At iyon ay dahil kay Glenn. Ngunit isang bagay ang natuklasan niya sa pagkatao nito. At nag-uugnay iyon sa namatay na kapatid niya. Isang bagay na susubok sa pag-ibig niya rito...
Janica Moves On - Camilla by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 7,644
  • WpVote
    Votes 83
  • WpPart
    Parts 10
Once upon a time, Janica was a princess. The princess had a boyfriend named Bino. Nagmula sa isang simpleng pamilya si Bino. Samantalang siya ay spoiled, tamad, maldita, at selosa. Dahil doon, hiniwalayan siya ng lalaki. Years later ay nagkrus uli ang mga landas nila, Pero baliktad na ang kalagayan nila. Bino was rich, she was relatively poor. Lahat ay nagbago sa kanya, maliban sa damdamin niya rito na hindi nagawang burahin ng panahon. Alam niyang walang pag-asang magkabalikan sile May Mariah na ito at siya raman ay may Nut na. lyin nga lang, ang "Nur" niya ay si Nurita, ang lukaret na bestfriend niya na pinagmakawaan hiyang magpanggap na tomboy para lang maipakita kay Bino nia gaya nito makapag-move on nà siya.
Kung Napatawad Mo Na Ako - Maria Elena Cruz by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 10,239
  • WpVote
    Votes 125
  • WpPart
    Parts 16
Katatapos lang ni Lorna ng high school nang pagsamantalahan ng isang lalaking ang kaguwapu-han ay tulad sa isang bidang karakter sa pelikula. Sa pagtatanggol sa sarili, akala ni Lorna ay napatay niya ang lalaki na ipinaanod niya sa ilog. Makaraan ang anim na taon, isa na siyang successful editor ng isang magasin, natuklasan niyang ang guwapong lalaki ay buhay pala ...
Bituin Sa Palad Ko - Helen Meriz by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 6,710
  • WpVote
    Votes 117
  • WpPart
    Parts 11
Nakilala't naging kaibigan ng simpleng si Benneth ang sikat na artistang si Randy Jimenez. Nang magtagal, higit pa sa pagiging magkaibigan ang naging relasyon nila. Kasabay niyon ang malalaki at nakabibiglang mga pagbabago sa dati'y tahimik na buhay ni Benneth. Kaya ba niyang harapin ang mga maproblemang sitwasyon kaugnay ng pagiging celebrity ni Randy?
If I Let You Go - Camilla by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 7,690
  • WpVote
    Votes 135
  • WpPart
    Parts 13
"Apektado ka naman pala kasi. Kung bakit pasupla-suplado-effect ka pa!" Buhay pa ay nagbigay na ng habilin ang lolo ni Prima ukol sa kabuhayan nito. Makukuha niya ang kanyang mana sampung taon pagkamatay ng matanda. But that would take ages dahil si Lolo Juanito ay mas malakas pa sa kalabaw. In the meantime, nasa pamamahala muna ng antipatiko at alaskador numero-unong kapitbahay na si Evan ang kayamanan ng matanda. Now here was her choice: Magpakasal lang siya kay Evan ay mapapasakamay na niya ang kanyang mana. Matutulungan na ni Prima sa negosyo ang kanyang daddy. Everything was running smoothly hanggang sa..
Always By Your Side - Kayla Caliente by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 3,678
  • WpVote
    Votes 57
  • WpPart
    Parts 12
In a merry mix-up, Jena found herself investigating reported trouble at Renz's beach resorts which her company was planning to buy. Although hindi siya ang dapat gumawa niyon, she ended up spying on Renz hanggang sa may natuklasan siyang ilang lihim. Along with that discovery was the realization na mahal na niya ang binata. Ang kaso, natuklasan na rin nito ang tunay niyang pakay at hindi na maibabalik ang tiwala nito sa kanya...