Papirpen
- Reads 6,876
- Votes 181
- Parts 22
"Never trust a fox. Looks like a dog, behaves like a cat."
Pagkatapos ng tatlong taong pagkawala, muling nagbalik si Bell upang gampanan ang kanyang tungkulin sa pamilyang Friedrich. Isang kapalarang nakaukit na sa kanyang palad mula nang siya'y isilang.
Sa kanyang pagbabalik, hinarap ni Bell ang masalimuot na mundo ng kapangyarihan at responsibilidad. Habang pinipilit niyang buuin muli ang nasirang tiwala at patatagin ang kanilang pamilya, unti-unting lumitaw ang mga tunay na taksil.
Natutuklasan ni Bell ang mga lihim na matagal nang nakabaon at mga kasinungalingang nagpahirap sa kanilang pamilya. Ang mga tunay na kaaway ay nasa loob mismo ng kanyang tahanan, at ang bawat desisyon ay nagiging isang laban para sa kanilang kaligtasan at kapangyarihan.
Ano ba ang kaya mong isakripisyo para sa pamilya? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig?