LoveAngel
2 stories
BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng Busaw by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 150,527
  • WpVote
    Votes 4,487
  • WpPart
    Parts 27
. . Kilalanin natin si Abraham, ang isa sa kambal ng mag-asawang Manuel at Elvira (from the Busaw Series, Busaw 1: Busaw, Unang Pagsibol). Kasing lakas siya ng kanyang mga magulang, kasing-makapangyarihan pero sa pag-ibig ba'y kasing tapang rin nila??? ********** "Sabihin mo na ang kailangan mo, ang gusto mong makuha para sa madaling panahon ay makaalis ka na rito.” aniya at tinitigan ako habang itinataas ang zipper ng pantalon niya. “Maipapangako ko ang kaligtasan mo ngayong gabi pero sa pagsikat ng araw at sa muling pagkalat ng dilim ay ‘di ko na hawak ang pagkakataon... alam na nila ang tungkol sa’yo.” Napasunod na lamang ako ng tingin sa kanya nang bumalik siya sa dati niyang kinauupuan. “S-sinong sila?” nakuha kong itanong. Wala kasi akong alam na sabihin kundi’ naiisip ko lamang ngayon na ganito pala katindi ang resulta nang paghahanap ko lamang sa gamot ni Stella. Hindi agad siya sumagot. Maayos siyang humarap sa akin at kahit ‘di ko na naman nakikita ang buong mukha niya’y alam kong tinititigan niya ako. “Sinong sila?” ulit niya. “Sila lang naman... ang kapatid ko, maaaring pati ang mga magulang ko at malamang... ang mga kalahi ko.” Napalunok ako ng ilang beses sa narinig ko. Buong angkan ba ng halimaw ang gustong pumatay sa akin? Doamne, te rog ajută-mă... (Lord, please help me...) by: ionahgirl23 . .
Busaw 2: LORENZO, Ang Pagdayo by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 401,063
  • WpVote
    Votes 6,965
  • WpPart
    Parts 32
. . SA KANILANG KAKAIBANG KATAUHAN, KAKAIBANG MUNDO... MAY LUGAR PA BA ANG PAG-IBIG KUNG PAGDANAK LAMANG NG DUGO ANG KANILANG ALAM? KILALANIN NATIN SINA LORENZO AT AGATHA AT ANG KANILANG KAKAIBANG KWENTO. === "Manghuhula ka ba?” parang bata akong nagtatanong ngayon ng mga walang kwentang bagay pero sinasagot naman niya. “Ehemmm.” tumango lang siya at susubuan sana uli ako nang umiling na ako at humiga lang sa kanyang kandungan, tiningala ko siya. “Bakit?” tanong niya sa akin. “Sinong magiging asawa ko kung ganun’?” Sumubo siya habang ang mga mata ay nasa akin pa rin. “Ako.” Napangisi ako sa sagot niya at nang hindi ko na mapigilan ang tawa ko ay napatawa na nga ako ng malakas. “Ha haha g*go... seryoso ako eh tsaka may mahal ka ngang iba.” bungisngis ko pa rin pero nawala lahat ‘yun nang yumuko siya at titigan ako. “Wala na akong magagawa ‘dun, ang kapalaran ay kapalaran.” lalo pa siyang yumuko at halos naaamoy ko na ang hininga niya. L*ko, senyas ko at piningot ko ang ilong niya. Umusog na ako sa tabi niya at humiga sa katabi niyang unan... A FANTASY HORROR, ADVENTURE LOVE STORY WRITTEN BY IONAHGIRL23. . .