BurntCheesecake4u
- Прочтений 522
- Голосов 55
- Частей 9
For the last five months, under construction ang IT Department office. Kaya na-relocate muna, temporarily, ang mga IT peeps sa HR area.
Maliit lang talaga ang IT Department. Composed lang siya of three people. Si Pierce ang head, si Kyle ang assistant, at dapat may isa pa sana, pero hanggang ngayon nasa process pa rin sila ng pag-hire ng additional staff.
Kilala na ni Seichi ang mga taga-IT kahit noon pa. Magkatabi lang naman kasi dati ang office nila. Pero mas naging pamilyar sila sa isa't isa nung lumipat ang IT sa HR. Mas madalas ang interaction, mas madalas ang tulungan, at mas madalas din ang simpleng kamustahan na dati hindi naman talaga nangyayari.
Ngayon, araw-araw na silang nagkakasalubong. Sa pantry, sa hallway, sa harap ng printer. Yung mga dating simpleng tango lang, naging small talk. Yung small talk, minsan, humahaba. At kahit walang nagsasabi, may unti-unting nabubuong comfort sa pagitan nila.
Hindi man obvious, pero para kay Seichi, doon niya mas napansin si Kyle. Hindi dahil sa trabaho lang, kundi sa paraan niyang makinig, sa tahimik niyang presensya, at sa mga maliliit na kilos na hindi mo agad mapapansin kung hindi ka talaga titingin.
At siguro, doon nagsimula ang lahat.