vienesxsssa
Sa mundo kung saan ang alak ay panandaliang kalimot, at ang bar ay pahingahan ng pusong pagod - doon nagtagpo si Viene, isang mahiyain pero masungit din na waitress na sanay na sa gulo ng buhay. Hindi siya iyakin. Hindi rin siya pikon. Pero 'wag mo siyang subukan kapag badtrip siya.
Dumating si Akiro - mayamang customer na may sungit na parang wala nang bukas. Matalino, mayabang, at mukhang hindi pa marunong ngumiti mula pagkabata. Siya 'yung tipo ng lalaki na akala mong papatol lang sa mga sosyal, hindi sa isang babaeng kagaya ni Viene na mas bihasa pa sa paghugas ng baso kaysa sa pag-ibig.
Pero sa likod ng matalim na tinginan, may unti-unting kilig.
Sa bawat bar shift, may banat at sabay-sabayan.
At sa pagitan ng inis at asaran... may unti-unting lambing.
Pero anong mangyayari kapag ang past ni Akiro ay hindi lang basta madilim - kundi mapanganib?
At si Viene, handa bang mahalin ang lalaking mukhang kayang sirain ang mundo... o ang puso niya?