Raja_Merfyn
- Reads 1,207
- Votes 11
- Parts 4
Matapos ang maraming taon, muling nagkrus ang landas nina Jennifer Rose Delos Reyes at Steven James De Guzman-dalawang pusong pinaghiwalay ng pagtataksil, at naudlot na pag-ibig.
Bago pa man sumailalim sa operasyon sa puso, dumanas si Jenny ng matinding pagdurusa dahil sa pamilya ni Steve. Dahil dito, nabuo sa kanya ang matinding poot at hangaring makapaghiganti.
Ngunit sa muling pagkikita nila, tila muling nabuhay ang damdaming matagal na niyang nilimot. Sa kabila ng mga pagkakamali, nagawa pa rin ni Steve na palambutin ang kanyang puso.
Ngunit ang nararamdaman ba ni Jenny ay tunay na pagmamahal-o impluwensya lamang ng pusong ipinalit sa kanya? Isang pusong dating pag-aari ni Alex, ang naging dahilan ng pagtataksil ni Steve.
Sa gitna ng kaniyang paghahanap ng kasagutan, haharap si Jenny sa isang mas mabigat na lanan-ang kanyang sariling damdamin.
Pipiliin ba niya ang paghihiganti, o ang muling pag-ibig?
Samahan sina Jenny at Steve sa isang kwento ng kapatawaran, paghilom, at pangalawang pagkakataon-kung saan ang pag-ibig ang magsisilbing daan tungo sa pagpapatawad.