Hyakinthos_
Nang mamatay si Ethan sa isang trahedya, akala niya'y katapusan na ng lahat. Ngunit sa kanyang muling pagmulat, natagpuan niya ang sarili sa katawan ng isang binabaeng estudyante na nagngangalang Sky-isang taong kabaligtaran ng kanyang dating pagkatao.
Habang pilit niyang tinatanggap ang bagong buhay, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim ng tunay na may-ari ng katawan. Kabilang dito ang isang taong hindi niya inaasahang magiging sentro ng kanyang mundo-si Elise, ang napakaganda at mabait na matalik na kaibigan ni Sky.
Ngunit habang mas lalo siyang napapalapit kay Elise, mas lalo rin siyang nahuhulog dito. Isang pag-ibig na hindi niya dapat maramdaman. Isang pag-ibig na para sa ibang tao.
Paano niya mamahalin ang isang taong naniniwalang siya pa rin ang dating Sky? At paano kung malaman ni Elise na ang taong nasa harap niya ay hindi ang tunay niyang kaibigan, kundi isang lalaking muling isinilang sa maling katawan?
Sa mundong puno ng sikreto, kasinungalingan, at ipinagbabawal na damdamin, kaya bang labanan ni Ethan ang tadhana? O tuluyan siyang mawawala sa katauhang hindi naman talaga kanya?
Minsan, ang pangalawang buhay ay hindi ibinibigay para itama ang nakaraan... kundi para subukin kung hanggang saan ka handang magmahal. 💜