TineSelenophile
Sa isang Antigong dalawang palapag na bahay na iyon lumaki si ia. Sa isang maliit na butas ng bintana pinagkasya ang kanyang sarili na tanawin ang nayon, at ang mga batang masayang naglalaro at sumasayaw sa gilid ng kalsada, ang masayang tawanan ng mga magsasaka, habang nagiinuman tuwing sasapit ang dapit hapon.
Sa pagsapit ng alas nuebe ng gabi ang mga tao'y nasa loob na ng kanilang bahay at tulog na, huni na lamang ng kuliglig ang nagsisilbing musica at lamig ng simoy ng hangin sa pagsapit ng oras na yun.
Doon lang nabubuksan ni ia ang kanyang bintana upang tanawin ang malawak na nayon at kalawakan mula sa kanyang ini-higaang kama
Iniisip niya paano kaya ang buhay niya kung nakakalabas siya? Ni minsan hindi siya nakalabas ng bahay nila, homeschool siya simula bata hanggang ngayong labing syam na sya.
Napabuntong hininga nalang at pumikit para magdasal na.. Sana, balang araw maranasan niyang lumabas, maglakad sa dagat ng mga tao o di kaya'y makalakad at makalanghap ng simoy ng hangin.
What if our not so tangled fairytale character in the movie met the handsome teacher name Levin? What will happen?
_____
Started: 02-21-22
On going....