Soleiyre
- Reads 34,176
- Votes 496
- Parts 7
Sa isang bayang hinahaplos ng araw at alon, lumaki si Annatalia "Anya" Arguelles na may pusong payak at mapagmahal. Isang alaala mula pagkabata ang hindi niya malimutan-ang batang si Wilbur Sevastian Martizano, tagapagmana ng Hacienda Martizano, na minsang nagbigay liwanag sa kanyang mundo.
Muling nagtagpo ang kanilang landas nang ipadala siya ni Lola Corazon sa hacienda upang ayusin ang lumang silid-aklatan. Doon niya nakita si Wilbur -hindi na ang batang nakilala niya, kundi isang binatang malamig, seryoso, at tila napakalayo na ng puso.
Ngunit sa likod ng distansyang iyon, unti-unting nabunyag ang damdamin ni Sian-matagal na pala itong nagmamasid, nagbabantay, at tahimik na nagmamahal. Hanggang sa umalis ito pabalik ng Maynila, dala ang tanong na nagpayanig sa puso ni Anya.
At sa takot na hindi na ito babalik, sinabi niya ang "oo."
Ngunit ang simula ng pag-ibig nila ay kasabay ding pagsibol ng paghusga, bulungan, at pagtutol-lalo na mula sa pamilya ni Wilbur. Doon natutong matakot si Anya... na baka sa huli, hindi siya ang pipiliin ng binata, kundi ang mundong hindi naman para sa kanya.
Pag-ibig, at tapang sa gitna ng dagat at araw-kung saan minsan, ang pag-ibig ay kailangang kayanin ang unos bago muling sumikat ang araw.