ycomir
- Reads 781
- Votes 167
- Parts 34
Si Clamira "Clay" Liaco at Dimetrio "Metro" Santiago ay matalik na magkaibigan simula pa nang sila'y musmos. Si Metro ay may labis na pagkahumaling sa bulaklak, lalo na sa mirasol. Dahil sa pagnanais niyang mabigyan si Clay, nagpasya siyang magtanim nito. Ngunit mula elementarya hanggang sa kanilang pagtuntong sa kolehiyo, minsan lamang namulaklak ang tanim niyang mirasol. Subalit sa pagkakataong iyon na ito'y sumibol, tanging si Clay na lamang ang naroroon, sapagkat si Metro ay nasa malayo na.
Ang tanging naging daan ng kanilang komunikasyon ay ang liham. At si Metro ay tutugon lamang kung may kasamang talulot ng mirasol ang sulat. Ito'y naging tating susi sapagkat kung wala ito, hindi mahagilap ang kanyang tugon o presensya.
Paano kung isang araw, tuluyan nang nalagas ang mga talulot nito?
Nagtanim naman siya, at ito'y sumibol. Ngunit sa pagkakataong iyon, ang tanging tugon na kanyang natanggap ay ang walang katiyakang paghihintay.