geomet_agape
- Reads 228
- Votes 20
- Parts 11
Thesis done, skincare routine done, housechores done-ano pa bang problema ni Isolde bukod sa boredom? Wala na. Ang tanging nilalang na nagpapagulo sa payapa niyang buhay ay ang pusa niyang si Rory.
Kaso isang araw nawala na lang ito bigla, kaya ano pang gagawin niya 'di ba? S'yempre hahanapin niya ang pusa niya. Ang problema, hindi naman niya pusa ang nahanap at nakuha niya at may baliw na lalaking orange ang buhok na sinasabing ito ang pusa niya!
Mauuna pa yata siyang mawala sa katinuan kaysa maniwala na naging tao ang pusa niyang si Rory.
Pero bakit kahit anong gawin niyang pagtaboy sa baliw na lalaki, lalo lang itong dumidikit sa kanya? At bakit habang tumatagal lalo siyang nahihirapang itaboy ito?
***
Akala ni Rory, sinumpa siya ng mangkukulam na si Magda dahil lagi niya itong dinadalhan ng patay na daga sa kusina.
Ang totoong dahilan pala kung bakit hindi na siya makapag-transform bilang pusa ay dahil malapit na siya mag-27 at wala pa siyang mahanap na asawa! Kung hindi ay mawawala lahat ng alaala niya bilang pusa at habang buhay na siya magiging tao.
Ayaw niya naman maging forever human! Ang boring kaya maging tao!
Kaya para matapos ang dilemma niya, susubukan niyang kumbinsihin ang bago niyang amo. Kung paano? Hindi niya pa alam, siguro madadaan naman sa cuteness at gayuma 'di ba?
Kung hindi, pwede naman siguro 'yung shotgun wedding 'di ba?