_HIStory
Sa bawat haplos ng lungkot, pag-aalinlangan, takot, saya, at pagnanasa, tayong lahat ay naglalakbay sa mundo ng mga kwento. Mga kathang-isip na hinabi mula sa hibla ng kasinungalingan at maskarang pag-asa, upang mapawi ang kakulangan at mapalamig ang init ng puso't katawan.
Ngunit paano kung isang araw, sa likod ng katahimikan, biglang sumiklab ang apoy-isang apoy na nilikha ng mapanlikhang isipan at mapaglarong imahinasyon? Handa ka bang harapin ang sigaw ng damdamin, o pipiliin mong lumihis, kapalit ng isang kalmadong isipan na payapa at malaya?
Sa kwentong ito, sisilipin natin ang sining ng pagpili kung ano nga ba ang tunay na dapat sundin: ang bulong ng puso, ang tinig ng utak, o ang apoy ng laman? Dito rin mabubunyag ang tibay ng mga ugnayan ng pamilya, kahit pa sa likod ng mga komplikadong kwento ng ama, kapatid, at anak.
Damhin ang kwentong magpapagalaw sa iyong isipan, mag-iiwan ng mga tanong na hahanapin sa bawat sulok ng iyong pagkatao, susubok sa tibay ng iyong paninindigan, at magtatak sa puso't guniguni. Kilalanin si Dylan ang lalaking may mga lihim na naghihintay na mabuksan, mga misteryong bumabalot sa kanyang buhay.