expensiveshot
"Maniniwala kaba kung sabihin ko sa iyo na nakapasok ako sa loob ng isang kwento? yung parang time travel, Yung pagmulat mo ng iyong mata nasa loob kana nito. Sa isang iglap dahil sa pangako ay magbabago ang buhay mo dahil sa mga karanasan mo sa loob ng kwento na magpapamulat sa iyo sa totoong kalagayan ng mga tao sa kamay ng mga mananakop at ang makukulay na kultura ng mga pilipino."
------------------------------------------------
Cariñosa, ang sikat na sayaw/folk dance noong panahon ng mga kastila na hanggang ngayon ay nabubuhay parin sa panahong ito dahil sa salin lahi ng ating mga ninuno. Paboritong sayaw ni lola amelia na di kalaunan ay nakahiligin din nang kanyang unica hija, Ang sayaw na magtuturo sa kanyang apo ng maraming kaalaman na hindi matutumbasan ng salapi.
Si sabrina mae evangelista ay isang historical teacher, sya ay dalawampu't tatlong gulang palamang. Kinahiligan nya ang tumuklas ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa makalumang panahon kung saan sinakop ng mga dayuhan ang bansang pilipinas na umabot ng daang-daang dekada ang tagal bago natin makamit ang kasarinlan ng ating bayan.
At dahil sa isang pangako, ay magbabago ang buhay ni Sabrina dahil sa kanyang lola amelia na syang paborito nyang ka bonding tuwing nasa malayo ang mommy nya.
Isang pagibig na hindi mo aakalaing uusbong sa kabila ng layo ng kanilang agwat mula sa isa't isa. "Kung pwede lang manatili ay mananatili ako, kung permanente lang ang mga bagay siguro ay hindi ko na kailangan pang lumayo sa iyo"...KUNG PWEDE LANG SANA
MAHAL KO.