✨Pocket Books Recos✨
153 stories
Destiny 13: Runaway Groom - Flora Simon Rivera by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 11,588
  • WpVote
    Votes 136
  • WpPart
    Parts 11
On her way home, nakatabi ni Lannie sa upuan sa eroplano ang antipatikong lalaki na pati ang tahimik na pagluha niya ay pinuna. Pilit nitong kinukuha ang atension niya. Hanggang sa matagpuan niya ang sariling nagtitiwala rito. Estranghero sa kanilang lugar si Neill kaya hanggang sa lumapag ang eroplano ' y nakabuntot ito sa kanya. "I have this feeling na ako ang makakatulong sa "yong problema!" lyon ang mga katagang binitiwan.ng binata sa kanya. At naliligalig siya ngayon dahil may ginigising itong damdamin sa kanyang kaibuturan...
WORTH A LIFETIME by RICA BLANCA (Published by PHR) by RicaBlancaPHR
RicaBlancaPHR
  • WpView
    Reads 55,751
  • WpVote
    Votes 877
  • WpPart
    Parts 10
"Ikaw na rin ang nagsabi na kahit ano'ng gawin ko, I will always miss something in life. And I don't want that 'something' to be you." Kulta na ang utak ni Lovely sa pag-iisip ng magandang love story na tatanggapin ng kaniyang editor. Lagi kasing reject ang mga gawa niya. Noon siya nakapulot ng isang bungkos ng mga lumang love letters na dated 1966 pa -- at binuhay niyon ang kaniyang pag-asa. Isa iyong pagkakataong bumagsak sa kaniyang paanan -- hahanapin niya ang nagpalitan ng mga lumang love letters at ang kuwento ng mga ito ang isusulat niya. Pero may kontrabida sa kuwento niya, si Conan, ang masungit na apo ni Arnulfo, ang matandang lalaking nakawala ng mga sulat. Kontrang-konta si Conan sa kaniyang isinasagawang "Oplan Happy Ending" dahil nararapat lang daw na ibaon na sa limot ang lahat. Hindi siya nagpadaig, pineste niya ito, pinersonal, hanggang sa mapilitang pumayag. Buo na sa utak ni Lovely ang kuwentong kaniyang isusulat -- the story of two old people who never stopped loving each other and true love reunited them. Pero habang tumatagal na kasama niya si Conan, unti-unti ay nagiging ito na ang kaniyang hero, at siya ang heroine. Ngunit paano magkakatotoo ang pantasya niyang love story kung hindi naniniwala si Conan sa marriage at sa forever?
Sleeping Heart  (Completed: Published by PHR) by Kandice_Gonzales
Kandice_Gonzales
  • WpView
    Reads 71,700
  • WpVote
    Votes 1,115
  • WpPart
    Parts 10
"Ganoon yata kapag mahal mo ang isang tao. Nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo madalas na ginagawa." Nakita ni Janicka ang katangin ng kanyang Prince Charming sa katauhan ni Jeff kahit noong una ay suplado ito sa kanya. Pero dahil sa pangungulit niya ay naging kaibig-ibig ito. Na-in love sila sa isa't isa. Ngunit may hadlang: kailangan nitong magtungo sa Amerika para mag-aral. Hindi niya sinalungat ang bagay na iyon. Siya pa ang nagtulak dito na umalis - kahit masakit para sa kanya. Pagkalipas ng limang taon, bumalik sa bansa si Jeff. Kahit wala silang communication ay wala raw nagbago sa damdamin nito para sa kanya. Handa na itong ituloy ang pagmamahalan nila. Pero nakatakda na ang kasal niya sa ibang lalaki...
Naghihintay Sa Iyong Pag-ibig - Jennie Roxas by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 9,315
  • WpVote
    Votes 163
  • WpPart
    Parts 12
Sigurado si Lady sa sariling makakaya niyang paamuin si Vince, ang guwapo pero supladong lalaking kapag nakikita siya'y lumalabas ang gatla sa noo. Nag-uumpisa pa lamang umusbong ang relasyon nila'y nadiskubre ng lalaking bahagi lamang ng pustahan ang lahat. Ininda niya ang pagpunta nito sa Amerika nang hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Limang taon ang lumipas. Nagbalik si Vince hindi para ituloy ang naputol nilang relasyon kundi ipamukha sa kanya ang naging pagkakamali niya. At nakahanda siyang tanggapin ang parusa nito dahil isang bahagi ng puso niya ang nagsasabing mahal pa rin siya nito.
Secrets (Pag-ibig Sa Gitna Ng Panganib) - Jennie Roxas by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 18,191
  • WpVote
    Votes 272
  • WpPart
    Parts 12
Nangarap siyang sumikat bilang reporter. Ang puhunan niya' y tapang at lakas ng loob. Hanggang sa makunan ng camera niya ang isang pangyayaring mag-aakyat sa kanya sa tagumpay-iyon ay kung makalulusot siya ng buhay sa mga humahabol sa kanya. Nag-alok ng tulong ang suplado subalit guwapong si Attorney Leelan Fregillana. At wala siyang mapagpipilian kundi ipagkatiwala ang buhay niya rito. Subalit kaya rin ba niyang ipagkatiwala ang puso sa guwapong abogado, na ngayo'y nanganganib na mahulog sa mga kamay nito?
Summer Holiday - Digna De Dios by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,205
  • WpVote
    Votes 58
  • WpPart
    Parts 12
Walang inasam si Rhesa sa pagpunta niya sa Buena Vista kundi palipasin ang summer. Ngunit sa bus pa lang papunta roon ay nakaengkuwentro na niya ang lalaking nagpahiwatig na hindi ordinaryong bakasyon ang mararanasan niya kundi isang summer holiday extraordinaire. Tall and fair-skinned, Ryan Barcelon proved to be aloof, unreachable and intriguing dahilan para ma-challenge ang kanyang womanly instinct. Ang hindi niya inakala, ang pihikang puso ng guwapong binata ang kanyang nasapol...
❤With Just One Kiss (COMPLETED; Published under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 100,380
  • WpVote
    Votes 1,855
  • WpPart
    Parts 10
Plano ni Jeena na Huwag magtagal sa Quiñones Publishing Company. Kailangan lang niya ng work experience para makapag-apply siya sa mas malaking publikasyon. Pero nang makita niya nang Harapan ang presidente nilang si Raziel Quiñones ay biglang nag-iba ang mga plano niya. Nagtrabaho siya nang mabuti para ma-impress ito sa kanya. Ngunit masyado yata siyang nalunod sa mga papuri at sa presensiya nito kaya natagpuan niya ang kanyang sarili na iba na naman ang hinahangad - ang puso ni raziel. the problem was, Raziel, seemed to belong to someone else...
WAY BACK TO YOU by ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Reads 109,035
  • WpVote
    Votes 1,470
  • WpPart
    Parts 10
"Gusto kong maging asawa kita. Gusto kong maging akin ka. Dahil ayaw kong may ibang lalaking lalapit sa 'yo. Dahil mahal kita." Ilang linggo matapos pumayag ni Madelyn sa lihim na pagpapakasal nila ni Shenn ay bigla na lang nawala ang lalaki. Nang puntahan niya ang lalaki sa bahay nito ay nalaman niyang nagpakasal uli ito sa ibang babae. Napuno ng galit ang kanyang puso dahil sa nalaman. At dahil doon ay ipinangako niya sa sarili na kung muling magkukrus ang kanilang mga landas ay ituturing niya itong mortal na kaaway. Ngunit makalipas ang pitong taon, nang muling matikman ni Madelyn ang halik ni Shenn, ay nawalan siya ng kakayahang magalit dito. It was as if her anger was burned with his kiss. At napalitan iyon ng pananabik. Doon niya napatunayang mahal pa rin niya si Shenn, after all the pain he had caused her. And damn Shenn for making her love him again! -
Checkmate on Love (COMPLETED- Published under PHR) by YsadoraPHR
YsadoraPHR
  • WpView
    Reads 349,069
  • WpVote
    Votes 6,425
  • WpPart
    Parts 27
Available po ito online: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1437/Checkmate-On-Love When Mavis realized she was in love with Jacques, her kinakapatid slash kuya slash best friend, she tried everything just to make him notice her, not as his sister but as a woman. Hindi inaasahan ni Mavis na bigla na lang magkakaroon ng girlfriend si Jacques. Gumawa siya ng paraan upang ipakita sa binata na hindi karapat-dapat ang atribidang girlfriend na si Thea para sa pagmamahal nito. Kaya naman, ini-apply niya ang step-by-step instruction guide ng librong How To Make Your Guy Friend Dump His Girlfriend. But when things started to happen according to her plan, isang katotohanan ang biglang sumampal sa kanya. Could she still compete when he saw her only as his immature younger sister? Paano na lang niya ipaglalaban ang musmos niyang puso? Highest Ranking in Romance: October 15 - #47 October 14 - #77 October 13- #78 October 10 -#80
Misty Eyes by Rita Loverly by LittleMissBonita
LittleMissBonita
  • WpView
    Reads 10,860
  • WpVote
    Votes 127
  • WpPart
    Parts 11
MISTY EYES by Rita Loverly Published by Precious Pages Corporation "Narito ako para sabihin sa iyong gusto ko nang magpakasal tayo! Hindi ka puwedeng tumanggi dahil bistado na kita." ©️Rita Loverly and Precious Pages Corporation