aeriesth
- Reads 1,007
- Votes 56
- Parts 6
Isang diyos ng kamatayan. Isang diyos ng buwan. Sa gitna ng langit at kamatayan, sino ang mananatili, at sino ang mawawala?
Sa mundo ng mga diyos, bawal ang maramdaman ang puso. Ngunit nang masilayan ni Sidapa si Libulan; ang batang diyos ng buwan na may liwanag na kayang tunawin ang dilim, alam niyang handa siyang suwayin ang langit. Mula sa tahimik na paghanga, hanggang sa mapanganib na panliligaw, hinarap ni Sidapa ang galit ng mga kapwa diyos, ang paninira ng langit, at ang takot ni Libulan na mahalin ang isang nilalang na may kapangyarihang magdala ng wakas.
Ngunit sa dulo ng lahat, ang tanong ay hindi kung dapat silang magmahal, kundi kung hanggang kailan nila kayang ipaglaban ito.