iamclay
- Reads 2,327
- Votes 149
- Parts 30
"Pasensya na
Kung ako ay
Di nagsasalita
Hindi ko kayang sabihin
Ang aking nadarama"
-Torpedo, Eraserheads.
Naranasan mo na bang mag-mahal? Malamang "Oo" ang isagot mo. Malamang ay ma-milosopo pa ang iba sa inyo. Nakaka-tanga kasi yung mga ganyang klase ng tanong. Dahil ang konsepto ng pag mamahal ay ma-aari mong maranasan sa ibat-ibang paraan at ma-aaring maipakita ng isang tao sa likod ng iba't-ibang ka-dahilanan.
Pero kung tatanungin ka, naranasan mo na bang umibig? Marahil dito na mag ka-ka iba-iba o mag ka-kasalu-salungat ang sagot ng mga tao. Dahil sa mundong ito, ang konsepto ng "Pag-ibig" ang isa sa pinaka-mahirap bigyan ng kahulugan. Bakit ko nasabi ang mga bagay na yan? Simple lang. Masdan mo ang paligid mo. Pag masdan mo ang katabi mo sa mga sandaling ito na dumaranas ng "Pag-ibig". Ma-aaring ang katabi mo ngayon ay isang stranghero, o kamag-anak, o baka malapit mo pang kaibigan. Baka nga sa mga sandaling ito ay kasama mo siya sa inuman. Ano napansin mo? anong emotion ang naging dulot ng pag sabak niya sa muting "arena" ng tinatawag na "Pag-ibig"? Masaya? Tumatawa? Nauutot na sa "Kilig"? O lumu-luha at para bang gusto nang wakasan ang lahat?
Ganyan ka misteryoso ang tinatawag na "Pag-ibig"
Isa itong matinding emotion na maraming kayang gawin sa tao. Mula sa pag-aaruga o pag-kalinga, hanggang sa patayan at pag-kawasak. Ganoon katindi ang mga bagay na nakapaloob sa pitong letrang salitang "Pag-ibig". Ganoon kabigat ang mga kaakibat na suliranin ang umiikot sa mundo ng mga umi-ibig.
Kaya kung oobserbahan mong mabuti, sa panahon ngayon na mayroong halos walong-bilyong tao sa buong mundo, ay marami parin ang nag iisang lumalakad sa mundo ng walang pag-ibig. Halos kalahati. At maniwala ka man o sa hindi, e marami itong kadahilanan.
Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang ilan sa aking mga karanasan ng katangahan, kagitingan, at kasiyahan na puwede mong maranasan kapag ikaw ay tumalon sa malalim na ilog ng "pag-ibig" at "pag mamahal". Pramis!