G-reach09
Buhay impyerno ang tinatahak ni Peony sa puder ng kaniyang madrasta. Wala nang ibang ginawa ito kundi ang pahirapan at saktan siya. Sa awa sa kaniya ng kaniyang ama ay nagdesisyon ito na ipakasal siya sa lalaking alam nitong magpuprotekta sa kaniya. Si Ivan Alonzo. Makisig, gwapo, masarap kasama at mabait. The two had become close friends. Iyon nga lang, kailangan nitong bumalik sa ibang bansa para ipagpatuloy ang pag-aaral. Ngunit bago pa man iyon, nauna na niyang nakatagpo ng landas ang kakambal nitong kabaliktaran ng ugali nito. In their first meeting, Ivan's twin did nothing but make her cry. Ninakawan pa siya ng halik pagkatapos siya nitong paiyakin. How ruthless. Halos isumpa niya ito sa sobrang galit. Kaya naman naipangako niya sa sarili, if she had to choose between the brothers, she'd choose Ivan. And she'd rather die kung ang kakambal nito ang ipakakasal sa kaniya.
Five years passed, and Ivan returned to the Philippines with his twin brother para tuparin ang napagkasunduan ng mga magulang nila. Being true to her promise, Peony chose Ivan and married him. But after their honeymoon, nalaman niya na ang pinakasalan niya pala ay hindi ang lalaking kaniyang minahal, kundi ang lalaking kinamumuhian niya-ang arogante at manhid na kakambal ni Ivan who soon will make her life miserable.
Isasantabi ba niya ang galit at tutuparin ang kanyang tungkulin bilang asawa para sa kapakanan ng pamilya? O itataya niya ang lahat at ipaglalaban ang pag-ibig para sa taong minamahal?