ikigai2u
Flowers Series #1: Tulips
Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang babae na basahin ang pangalan ko sa listahan ng Drum and Lyre Corps. Hindi ko naman sinulat ang pangalan ko roon, at wala rin akong maalalang sandaling lumapit ako sa kahit anong club. Tahimik lang akong nakaupo, kampante, sigurado na wala akong dapat alalahanin. Pero habang unti-unting nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko sa likod ko, naramdaman kong lumulubog ang dibdib ko. I was sure I didn't belong anywhere! I never joined, never applied, never cared. Kaya nagtataka ako ngayon...bakit kasama ang pangalan ko? At paano pa ako napunta sa club na may siyam na miyembro lang, halos wala nang natira, sira ang silid, at halos wala nang reputasyon? The DLC isn't just struggling; it's falling apart in slow motion. At nang ibigay pa ni Ma'am Unice ang ultimatum, one month to perform or be erased for good. Mas lalo kong naramdaman ang bigat ng sitwasyong hindi ko naman pinili. Nadamay ako sa gulong hindi ko sinimulan, at ngayon, parang unti-unti na rin akong nahahatak sa mundo nilang hindi ko kilala. Sa huli, iisang tanong lang ang naiwan sa isip ko.
"Paano ako makakaalis?"