Lyngeal12
A Love Triangle Story...
Sofia Rose Smith, 17 years old, isang survivor ng lindol 10 years ago.
Ng hindi pa nangyari ang trahedya siya ay masayahing bata at palakaibigan, nasa kanya na ang lahat, mayaman, maganda, matalino, kompletong pamilya at mga kaibigan pero sa isang iglap nawala ang lahat sa kanya.
Ang isang masaya at magandang bakasyon kasama ang kanyang mga magulang ay nauwi sa isang malagim na trahedyang dulot ng lindol na dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. Habang tumatakbo at umiiyak, muntik na siyang mahulog sa bangin pero mabuti nalang at nailigtas siya ng isang batang lalaki pero hindi nagtagal ay nagkahiwalay din sila. Ang madilim na buhay ni Sofia ay biglang nagliwanag ng mailigtas siya ng batang lalaki, kaya't naipangako niya sa sarili na balang araw ay hahanapin niya ang lalaking nagligtas ng kanyang buhay.